Chapter 44: Rights

540 16 0
                                    

Chapter 44

ATHENA MINERVA POV:

Nagdoorbell ako sa gate ng bahay ni dad, ngayon ang araw kung saan balak ko na makipag ayos kay dad. I may look stupid pero kailangan kong gawin 'to dahil gusto ko ng magkaayos kami ni dad lalo na nandito na si mom. I should let go of my anger.

Lumabas ang isang maid para buksan ang gate ng bahay, "good afternoon po, mam." bati nya sakin habang binubuksan ang gate, ngumiti ako. "Nasa loob ba si dad? Gusto ko sana siya makausap"

"Ay mam, may kausap po kasi siya sa loob at nukhang seryoso sila nag uusap" napakunot ang noo ko, "nasa opisina ba sila?" umiling ang maid sakin

" hindi po mam, nasa sala lang po sila nag uusap. Nahihiya nga po kami maglapag ng maiinom dahil halos magsigawan sila"

"sino ba ang kausap ni dad?" tanong ko habang naglalakad na papasok sa loob, "hindi po siya pamilyar sakin pero Amber Forbes daw po yung pangalan niya. Nagpakilala pa nga po samin kanina habang hinihintay niya si sir" Nagtiim bagang ako. Amber Forbes, anong ginagawa mo dito? at ang lakas ng loob mo para makipag usap kay dad. Huh.

Pinagbuksan ako ng pintuan at tama nga ang sinabi niya sakin. Nandito nga si Tita Amber, kasama si dad at nag uusap sila. Well no, hindi sila nag uusap kundi nag aaway silang dalawa. Napakunot ang noo ko habang nakatingin saknilang dalawa. Napatigil pa nga sila sa pagsisigawan nang pumasok ako.

Nanlamig ang mukha ni tita nang makita niya ako, I smiled. " What are you doing here, tita?" I asked her sarcastically. Napalunok siya at umiwas ng tingin sakin. Agad naman lumapit sakin si dad

"Iha, bat nandito ka" biglang tanong niya sakin, "himdi ba ako welcome sa bahay niyo, dad?" mukhang nabigla naman siya sa pagtawag ko saknya ng dad. " A-Ah hindi 'yun ang ibig ko sabihin iha. Ang sakin lang hindi ka man nagsabi na dadalaw ka pala dito" he said

Inayos ko ang buhok "well dad, I came here to talk to you pero mukhang may bisita ka" sabay tingin kay tita na tahimik ngayon. Nasaan na ang bunganga niya na kanina pa pumuputak

Agad naman umiling si dad, "tapos na kami mag-usap ni Amber kaya pwede tayo mag-usap ngayon" nabigla naman si tita sa naging sagot ni dad, "WHAT?! HINDI PA TAYO TAPOS MAG-USAP ZEUS! HINDI MO PA BINIBIGAY ANG GUSTO KO PARA SA ANAK MO!" singhal ni tita kay dad

Napataas ang kilay ko sa naging aniya, "What do you mean tita? Ano ba ang gusto mo para kay Kyle?"

"Iha w-wag-" umiling ako kay dad at tumingin sakanya "makikialam ako kung kailan gusto ko, dad. I am you goddamn daughter kaya may karapatan ang makisali sa usapan niyo" bumaling muli ang tingin ko kay tita na para bang nag-iisip siya ng maayos na sagot sa tanong ko.

"now tita, talk. Ano bang gusto mo para sa anak mo? Do you want him to carry dad's name?"

"Oo! dahil karapatan ng anak ko 'yun. He deserves being a Costello" she explained, napaisip ako. Wala naman masama na palitan na ang apelyido ni Kyle bilang Costello.

"You are right, kailangan talaga palitan ang apelyido ni Kyle dahil ayon din ang sinasabi sa batas." I told her, nakita ko naman na lumawak ang ngiti ni tita sa pag sang-ayon ko sa sinasabi niya. "pero hanggang doon lang 'yun." dagdag ko na ikinabigla din niya

"W-What? H-Hindi pwede da-"

"Then what? gusto mo na pakasalan ka ni dad dahil alam mong divorce na sila ni mom? Gusto mong magsama kayo sa bahay na 'to?" Napakagat siya ng labi, so tama ako. 'Yun nga ang gusto niya, she wants dad but unfortunately I'll not give her what she wants. My dad deserves someone who's not like her at ang kapal naman ng mukha niya na hilingin ang ganon. Kapatid niya ang ex-wife ni dad, my gosh. So kapal talaga ng mukha, ewan ko ba kanino nagmana 'to.

I crossed my arms and stared at her, "Sa tingin mo hahayaan kong mangyari 'yun? Oh gosh tita, kahit pumayag si dad sa gusto mo di ko pa rin hahayaan 'yun. I will never like you to be with my dad, ever. Sapat na ang pagbibigay ni dad sa mga luho ni Kyle at sa pagpapalit ng apelyido nito. Huwag kana umasa na may hihigit pa 'don" Sabi ko sakanya at alam kong naiinis siya ngayon. Life is a bitch at wala akong pakialam kung nasasaktan man siya sa sinasabi ko. ngayon

Tumingin na ako kay dad at ngumiti, I saw the relief on his face. "Can we talk na, dad?" He smiled and looked at tita. " You heard my daughter, Amber. Kung ano ang sinabi niya, 'yun ang masusunod. And leave my house, alam mo naman siguro ang palabas ng bahay ko" dad told her, nakayukom ang kamay ni tita sa naging sabi ni dad sakanya

Hinawakan ni dad ang isang kamay ko na ikinagulat ko, never pa naging ganito katouchy si dad sakanya. Niyayakap niya ako pero minsan lang 'yun at minsan ginagawa lang niya 'yun pag may kailangan siya. Well, his gestures are new and I love it.

" let's go iha, marami akong ipapaliwanag sayo" aniya, "same dad. same. " sagot ko

Costello 1: AthenaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant