Chapter 16: Illegitimate

1.4K 28 0
                                    

it hurts how sadness easily took over happiness

ATHENA MINERVA POV:

"Kamusta ang Switzerland?" Max asked, "fine, nandoon naman sina Apollo"

"Really? Nandoon din ba si Hermes?" May asked, napaubo naman si Max sa tanong ng kambal nito. "We are not talking about that bastard, May" napanguso si May, "stop calling him bastard kuya."

"and choose your word properly Maximo" malamig na suway sakanya ni Lola, napayuko naman si Max at nagsorry.

Tinignan ko si May, at umiling, " he is not there. He's busy with Hephaestus" tumango naman si May ng mahina. She still love Hermes, my poor cousin.

"Amber, why are you not eating?" Lola asked, "wala po akong gana Ma" mahinang sabi niya.

"Dahil ba nandito ako? Should I leave?" I asked her, nagulat siya sa tanong ko at mabilis na umiling. "N-No. Wala lang akong gana" depensa niya

"If you say so"

Naramdaman ko na hinawakan ni Alex ang kamay ko, "Dad called me, kailangan ako sa business meeting sa Hawaii." hindi ko maiwasan malungkot dahil maghihiwalay na naman kami ni Alex but I know may sari-sarili din kaming gawain.

"I'll be back after a week okay?" tumango ako na parang bata na sinasabihan ng magulang.

"Lola, Alex needs to go." pagpapaalam ko kay Lola, "Kung ganon, mag iingat ka sa pag alis hijo. Pakisabihan ang ama mo na mag uusap kami pag nagkaroon na siya ng free time" masayang sabi ni Lola

"Osige po, bye boo" at hinalikan niya ang noo ko at umalis na sa hapagkainan.

"So he choose his work over you, huh?" napatigil ako nang tanungin ni Kyle yun sa harap ko pa talaga. Darn.

"Don't start it, Kyle" malamig na sabi ko, "Kyle, stop it. Show some respect" sabi ni Max sakanya

"What? I'm just asking. Mahal ka ba talaga ng lalaking yun, Athena? He left you, like Tita Mi---" mabilis na kinuwelyuhan ko dahil nasa harapan ko siya nakaupo.

"Athena!" sigaw nina Lola, pero di ako nakinig. Pinapainit talaga ng gagong ito ang ulo ko

"Don't make me mad, Kyle Ivan. Hindi mo alam ang ginagawa mo ngayon, and don't fucking mention my mother's name." ngumisi siya, "why? Tama ako diba? She left you, everyone left you." Kaagad ko siyang sinuntok kahit na masakit sa kamao.

"Omygosh!" singhap ni Tita Amber at pinunatahan ang anak na nakaupo sa sahig

Hinawakan ako ni May para pakalmahin, "Namumuro kana sakin ha, you know I can destroy you. Hindi porket anak ka ni Zeus, at hindi na kita papatulan. Kahit kapatid kita, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kung idadamay mo ang pangalan ng nanay ko" galit na sabi ko, padabog na inalis ko ang kamay ni May sa braso ko

"Tandaan mo Kyle Ivan, anak ka lang pagkakasala. Anak ka lang sa labas ng tatay ko at kapatid ng nanay ko. You should know you fucking place" at umalis na ako sa dining hall. Tanginang Kyle.

Dumiretso ako sa kwarto, dahil sa sobrang frustration sinuntok ko ang pader. Ininda ko ang sakit, fuck. Tangina talaga. Tangina.

I heard my parents shouting so loud. Hindi ko mapigilan makinig.

"Let me explain Minerva..." narinig ko ang hikbi at hagulgol ni mommy. Umiiyak na naman si mommy, at dahil na naman kay daddy yun. Inaaway na naman ba ni daddy si mommy?

"I don't need your damn explanation, Zeus! Ayos sakin na maging pangalawang asawa mo dahil alam ko na mahal mo ko at pinili mo ko laban kay Cassiopea pero tangina lang! Bakit si Amber? Bakit kapatid ko pa?!" Anong nangyayari? Bakit nasali si Tita Amber sa usapan nila?

"Minerva..."

"no let me go, Zeus. Tinanggap kita kahit may apat na anak ka kay Cassiopea, kahit nauna mo siyang pakasalan sakin, kahit na mayroon kang anak sakin noon at mas pinili mo siya sakin. Pero sa huli ako pa rin, pero tangina lang Zeus Costello. Bakit si Amber pa ang tinira mo? At punyeta, may anak ka pa sakanya!"

What? May anak si daddy kay Tita? Kaya ba kakaiba ang pagtitig ni tita kay daddy dahil may namamagitan sila at kaya ba ganon titigan ni daddy si Kyle? dahil anak din niya ito?

"Hindi ko sinasadya, Minerva. Believe me, pagkakamali lang ang nangyari sa amin ni Amber"

"Pagkakamali? Hindi sinasadya? Don't tell me lasing ka kaya may nangyari sainyo? Fuck, Zeus. Nakita ng dalawang mata ko pag pasok niyo sa isang motel." galit na sigaw ni mommy kay daddy

"at alam mo yung masakit? kapatid ko pa, hindi mo ba iniisip kung ano ang pwedeng sabihin at isipin ng mga bata sayo pag nalaman nila 'to? Lalo na si Athena!"

"I-Itatago natin..." narinig ko ang pagak na pagtawa ni mommy, "Hindi ako katulad mo Zeus. Kung gusto mo itago ang katarantaduhan na ginawa mo, itago mo. Dahil ako, hinding hindi ko gagawin yun. I don't want my children to live from your lies"

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan, "Athena?" halata sa mukha nina ang kalungkutan, galit, at sakit.

Umiiyak ako, at niyakap siya. "Mommy..." Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya, "I love you mommy. I love you, I love you" paulit ulit ko yun binibigkas sakanya.

Costello 1: AthenaWhere stories live. Discover now