And for the First Time

1.2K 49 31
                                    

"Hay naku, lasing na naman si Jana"

"Oo nga. Sino naman kaya ang sinamahan niyan?Hindi na nahiya."

"Sa gabi-gabi ba naman na lagi 'yang lasing, malamang hindi na 'yan virgin"

Narinig pa ni Jana na nagtawanan ang mga kaklase niyang siya naman lagi ang topic. Binalewala niya lang 'yun. Sanay na naman siya sa kung anu-anong sinasabi sa kaniya. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa at pagkatapos buksan, nginuya niya ito. Ipinasak sa tenga ang headset. Pumainlanlang ang paborito niyang kanta.

For the first time
I am looking in your eyes

Wala siyang pakialam kahit na dumating pa ang teacher nila. Wala rin siyang pakialam kahit bumagsak siya sa lahat ng subject o kahit bumalik pa siya sa 4th year ng ilang ulit.

Hindi naman siya ganoon dati. Masipag siyang mag-aral. Kasama pa nga siya sa honor list. Kaso simula ng magkaniya-kaniya ng asawa ang magulang niya, naiwan siya sa kaniyang lola sa father side. Maalwan naman ang buhay nila kaya hindi siya nahihirapan. 'Yun nga lang, wala na rin pakialam ang mga magulang niya sa kaniya. Paggumagawa siya nang kalokohan, naaalala nilang may anak pa pala sila.

Nasa last row siya sa likod nakaupo, kaya hindi siya napapansin ng mga guro. Sabagay, mas gusto niya 'yun. Nakataas ang braso sa sandalan sa katabi niyang upuan habang nakasandal nang pahiga, ngumunguya ng bubble gum at nakikinig ng music.

For the first time
I'm seein' who you are

"Class, you have a new classmate. He is from Isabela. Come Joshua, introduce yourself."

Halos lahat ata ng kababaihan, including mga binabae sa loob ng klase ay kinilig nang pumasok si Joshua. Ang gwapo niya, mukha siyang mabango, ang linis-linis niyang tingnan at mukha siyang matalino. 'Yan ang mga pinagsasabi ng mga kaklase niya. Pero siya, deadma lang. Nagpalobo pa siya ng bubble gum at pinaputok ito. Napalingon silang lahat sa kaniya. Including Joshua na magsasalita na sana. Naningkit ang mga mata ni mam Gonzaga. Itinuro ang headset, mabilis na tinanggal ito ni Jana. Kinuha ang pabalat ng bubble gum at iniluwa ito rito habang naka-peace sign sa lahat, tumayo at itinapon sa basurahan ito.

"Go ahead, Joshua." Narinig niyang sabi ni mam habang paupo sya sa pwesto nya.

"Hi, I'm Joshua Rivera. You can call me Josh cause I know we will be friends all someday. Hoping for that of course." Nakangiti pati mata niya. Kinilig na naman ang mga babaeng ito. Haist, ang boring naman. Napaismid siya. She's not paying any attention kaya nagulat siya nang mag-excuse me si Joshua. Napatingin siya, matangkad pala ito.

"Ahm, I think it's my chair you are holding at?" Still kasi nakaakbay pa rin siya sa sandalan ng katabi niyang upuan. Simula ng pasukan, wala na siyang katabi. Inilibot niya ang paningin, wala na ngang available na upuan. Nakasimangot na tinanggal niya ang kamay sa upuan. Pag minamalas ka nga naman, may mang-iistorbo na sa pananahimik niya.

"Hi I'm Joshua." Inilahad pa nito ang kamay para makipagkamay. Tiningnan niya ang kamay pero tinaasan niya lang ng kilay at nangalumbaba.

"Nagpakilala ka na kanina 'di ba? No need for the formal gesture." balewalang sagot niya. Nakangiting binawi nito ang kamay. Hindi ito nag-react sa pagsusungit niya. Basta nakangiti lang ito. Mayamaya, pinakuha sila ng notebook at ballpen, may pinapakopya sa blackboard. Still, nakapangalumbaba pa rin siya at hindi man lang nag-abalang kumuha ng mga gamit. Kasi kahit bag wala siyang dala, sarili lang at bubble gum sa bulsa.

At mp4 pa pala.

"I have extra notebook and ballpen here. You can have it." Napansin ata niyang wala siyang gamit. Dahil bukod tangi siya lang ang hindi nagkakakalkal sa bag sa paghahanap ng ballpen at notebook.

A-Not-So-Happy-Ending-StoryWhere stories live. Discover now