Angel in Disguise

722 47 34
                                    

"Sinabi ng ayokong kumain!" At malakas kong tinabig ang tray ng pagkain sa sahig. Siguro, sa lakas ng impact may mga bubog na tumama sa paa ko. Siguro, dahil hindi ko naman nakita. Siguro, dahil hindi ko naman naramdaman ang sakit. Dahil manhid ang mga ito. Iginulong ko paharap sa pintong papuntang hardin ang wheelchair. Kabisado ko ang kwarto kaya hindi na kailangan ng katulong. Hanggang dito lang naman ako, ayokong lumabas pa.

Pilay, pilantod, walang silbi. At ang pinakamasakit sa lahat, bulag. Heto ako ngayon pagkatapos kong maaksidente 6 months ago.

Tumakas ako isang gabi dahil hindi ako pinapayagang lumabas ni mama. Wala na akong ama kaya kaming dalawa na lang ang magkasama. At ang higpit niya pa. Ang hindi niya alam, nakikipag-drag racing ako. A 21 year old boy, trying to be famous in one of the dangerous sports in town. Siyempre, guwapo, mayaman, maporma. Kailangan maging in. Kailangan sikat, palagi.

Natatandaan ko pa, malapit na sana ako sa finish line nang bigla akong sumemplang. Hindi ko alam kung paanong nangyari. Basta nagpaikot-ikot ako sa loob ng sasakyan at bigla akong nahilo.

Dugo. Maraming maraming dugo. Huli kong narinig ang sigawan ng mga taong nakakita sa pangyayari bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Akala ko nga, matutuluyan na ako. Pero sana nga, ganoon na lang ang nangyari. Kesa naman ganito ang kalagayan ko.

Pilay, bulag. May pag-asa naman daw akong makalakad sabi ng doctor, kaso matatagalan at kailangan daw ng malaking suporta galing sa akin. Yah, right. Pakunswelo, para mabigyan ako ng pag-asa kahit alam ko namang wala talaga.

Napasukan ng bubog ang mga mata ko at tinamaan ang pinaka sensitibong parte nito. Natanggal naman. Kaso, kailangan daw ng donor. At kahit daw ibayad ang buong kayamanan namin, hindi pa rin ako maooperahan, hangga't walang ka-match. At kung meron man, mahaba ang pila bago pa man ako mabigyan ng donor.

Gusto ni mama na dalhin ako sa ibang bansa dahil baka roon gumaling ako. Pero ayoko. Kung talagang gagaling ako, kahit dito sa pinas puwede yun. Siguro nga, wala na talaga akong pag-asa.

Sa kalagayan ko ngayon, natigil ang lahat ng bagay na nakasanayan ko na. E, ano bang magagawa ng isang taong hindi na nga makalakad, hindi pa makakita? Kahit ang tumayo hindi ko magawa. Kung makatayo nga man pala ako, mangangapa din. Damn!

Ayokong may katulong. Ayokong kaawaan nila ako. Na sa edad kong ito eh pasanin na. Kaya lahat ng binibigay na katulong o nurse ay binubulyawan ko. Pinahihirapan at pinapalayas. Walang sinuman ang makakatulong sa akin. Kaya anong silbi ng buhay? Sana nga, namatay na lang ako.

Naramdaman kong may nagbukas ng pinto. Dahil sa kalagayan ko, naging matalas ang pakiramdam ko at pang amoy sa paligid. Syempre, yun na lang ang kaya kong gawin.

Malamang si Aling Siony ito. Ang nag iisang katulong na tumagal sa ugali ko simula ng mangyari ito. Dalaga pa lang ito, katulong na sa bahay. Malaki ang pag galang ko sa kanya. Kaso lang, sa nangyari sa akin, siguro nga wala na akong sinasanto pa. Kahit sino, kahit kanino.

"Iwan nyo na yan Aling Siony. At hwag na din kayong mag akyat ng pagkain dahil hindi ako nagugutom." Nagpatuloy ang naririnig kong pagkalansing ng mga nabasag.

"Aling Siony ano ba? Sinabi nang..." napakunot noo ako. At dahan dahang humarap sa inaakala kong si Aling Siony. Para kasing may iba. Suminghot singhot pa ako ng ilang ulit. Napakuyom din ang mga kamay ko. Hindi si Aling Siony ang pumasok. Iba ang amoy. Amoy ng isang babae. Well, batang babae ba? No, dalaga.

Mabango na parang bagong paligo ang nalalanghap ko. Parang pinag sama samang amoy ng mga bulaklak. Hindi masakit sa ilong bagkus ay nakakahalina, nakakaakit.
Teka lang, ano?

A-Not-So-Happy-Ending-StoryWhere stories live. Discover now