Parang wala lang

380 26 0
                                    

"Ano ba? Naku naman, hindi kasi tumitingin sa daraanan." Naiiritang pinagpag ni MC ang damit na natapunan ng tubig. Buti na lang tubig ang dala niya hindi ang softdrink kanina. Galit na sinulyapan ang lalaking nakabangga sa kaniya. Nakatingin lang din ito sa kaniya at wala pa atang balak na mag-sorry.

"Ikaw kaya ang hindi tumitingin sa daan." At mabilis na itong lumabas ng fast food na iyon.

"Bastos!" pahabol pang sigaw ni MC. Wala siyang pakialam pa kahit na pinagtitinginan na siya ng ilan. Naiinis na bumalik na lang siya sa puwesto ng kaibigan.

"Hoy, kailangan talaga sumigaw? Hindi naman masiyadong basa, a. At hindi mo ba napansin ang guwapo kaya no'n." Sinundan pa nito nang tingin ang pintong nilabasan ng bastos na iyon.

"Guwapo ba 'yon e, ang bastos. Halika na baka mahuli pa tayo sa event." Mabilis na kinuha ni MC ang mga gamit at magkaagapay na silang lumabas nang nasabing fast food.

***

"OMG, bilis MC tingnan mo 'yong grupong SE-EON, 'yong lalaking naka-black. Si Jungkook 'ata ang kino-cover niya, 'yong crush mo sa BTS." Halos madapa si MC nang hilahin siya ni Trich papuntang unahan. Kasalukuyan na kasing magsasayaw ang nasabing grupo.

Nasa event sila sa isang lugar sa Makati kung saan nagsasama-sama ang mga gumagaya sa mga paborito nilang kpop idols at naglalaban-laban para sa premyong nakalaan.

Isa sila sa mga mahilig um-attend ng mga ganitong event. Masiyadong mahal ang ticket kapag may mga concert na ginanaganap dito sa Pilipinas. At least sa ganitong event, kahit kamukha lang, pakiramdam nila ay nasa harap na rin nila ang mga iyon. Marami rin silang nagiging kaibigan at nag-e-enjoy din sa mga palarong may premyong mga kpop merch.

Napatulala nga si MC nang masilayan ang tinutukoy ni Trich. Nag-CR kasi siya kanina para magpalit ng damit na nabasa kanina at malamang nakita na nga ni Trich ito kaya hinila siyang bigla. At oo nga, kamukhang-kamukha nito ang crush niyang miyembro ng BTS. Pati ang paraan nang pagsasayaw at pagkanta kuhang-kuha nito.

Dahil dito, napapasabay na rin siya sa pagtili gaya ng mga nakapaligid sa kanila. At tanging ito lang ang tinitingnan niya.

Nagpakilala ang mga ito isa-isa at nalaman niyang Kane ang pangalan ng crush niya. Maaaring magpa-picture kasama nila kaya naman si MC na ang humila kay Trich papunta rito.

"Hi, I'm MC. Puwedeng magpa-picture?" nakangiting kinikilig pa siya dahil talagang napakaguwapo nito sa malapitan.

Sa hindi niya malamang dahilan bigla na lang itong ngumisi sa kaniya. Inakbayan siya nito at kinabig palapit. Ngumiti naman nang malawak si MC para humanda sa picture na si Trich ang kukuha.

"Hindi mo ba ako nakikilala? Sabagay naka-make-up kasi ako." Napalingon si MC nang magsalita ito. Nagalit tuloy si Trich dahil nag-click na pala ito sa camera na sakto ngang lumingon siya.

Napabitaw tuloy si MC at pinakatitigan ang lalaki. Pero nagkagulo na ang iba pang gusto ring magpa-picture dito. Hinila naman siya ni Trich palayo.

"Hoy, nanuno ka ba? Pa-picture ka ulit kasi ang pangit nang kinalabasan, e." Pinakita pa nito ang cellphone at kita rito ang pagtataka niya habang nakatingin kay Kane. Tiningnan naman niyang maigi ang picture. Kaya pala, medyo pamilyar ang lalaki.

"Siya iyon. 'Yong lalaking bastos." saad ni MC habang nakatingin kay Kane. Hindi naman makapaniwalang napatingin na rin sa lalaki si Trich na ngayon ay abalang nagpapa-picture sa mga nagkakagulong mga babae.

***

Gud morning miss sungit... ☺

A-Not-So-Happy-Ending-StoryWhere stories live. Discover now