End

23 5 2
                                    

[TRIGGER WARNING!! READ AT YOUR OWN RISK!]






Pula. Para bang nabulag ako at pula lang ang nakikita ng mga mata ko.


Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ang mga dugong umaagos sa dibdib mo.




Wala akong maramdaman kundi ang saya na sa wakas, naabot din kita.

Naabot ko din ang puso mo.



Sa wakas, pareho na tayo ng nararamdaman. At sa tagal ng pinagsamahan natin, ngayon ko lang nararamdaman na ang lapit mo sakin.




Lumayo ako sa walang malay mong katawan at umikot sa buong bahay.



Binabasag ang lahat ng larawan natin.

Binabasag ang bintanang paborito kong tignan lalo na kapag umuulan.

Ikinalat ang lahat ng alala natin sa lahat ng sulok ng bahay ko.





Bumalik ako sa tabi mo at itinulak ang lamesang nasa gitna ng mga upuan.


Nararamdaman ko ang mahinang ampyas ng ulan at malamig na hangin mula sa basag na bintana.





Sabi ko na, para satin talaga ang ulan. Ang ganda ng gabing to, at ang mahinang ulan lang ang kaylangan ko para makumpira na magkakasama na tayo ulit.




Kinuha ang patalim na syang ginamit ko sayo, at sinugatan ang mga braso at binti ko.





Isang sulyap, isang yakap at isang halik sa nanlalamig mong mukha at tinapat ko ang patalim sa puso ko.






Nanghihina kong kinuha ang cellphone ko at gumawa ng huling tawag sa emergency hotline.









"T-tul..ong, m..nana..k-kaw"




..ang mga huling salitang nasabi ko.









Tama nga ako, may pag asa pa ang pagmamahalan nating dalawa.






Sobrang saya ko dahil sinamahan mo ko hanggang huli.




Dahil hinayaan mong maabot kita sa pagkakataon na ito.










Sa wakas, magkasama na ulit tayo.

Loin de ToiWhere stories live. Discover now