One

30 4 0
                                    

So close to reaching that famous happy end
Almost believing this one's not pretend
Now you're beside me, and look how far we've come
So far we are so close



Nakatanaw sa malaking bintana na tila binibilang ang bawat patak ng ulan, at nakikinig sa musikang una nating sinayawan.

Bakit mo nga ba ako iniwan? Ano nga bang nangyari sating dalawa?

Tumayo ako at sumayaw ng marahan habang dinadamdam ang tunog ng buhos ng ulan na para bang nakikipagsabayan sa musika.

Kasabay ng hakbang ng mga paa ko ay ang mga luhang nag uuna-unahan sa pagpatak sa pisngi ko. 



Anong nangyari sating dalawa?


Bakit nga ba tayo humantong sa ganito?


Tumigil ako sa gitna ng sala, tumingin sa bintana at pumikit.

Nakakatawa, sa ulan pala tayo unang nagsimula.







Tatlong magkakasunod na araw na kong nalelate sa klase at bilang parusa, kasama ang kapwa  fourth year, pinaglinis kami ng quad kung saan maraming nagpapalipas oras na mga estudyante kapag uwian.

Di katulad ng mga kasama kong maglinis na may kakwentuhan, mag isa akong nag lilinis ng mga waiting shed.

Wala naman kasi akong masyadong kaybigan. Dahil nga siguro doon kaya lumapit ka sakin at sinubukang makipag kilala.

Meron kang magaan at magandang ngiti. Kaya siguro mabilis kang makakuha ng kaybigan.

Kaya rin siguro mabilis mong nakuha ang atensyon ko.

Dahil sa tulong mo ay mabilis kong natapos ang parusa ko at naghanda na kong umuwi pagkatapos magpasalamat sayo.

Nang makarating na ko sa sakayan pauwi, hindi ko inaasahang nandon ka rin. Sa tagal kong nag aral sa eskwelahang yon at sumakay sa parehong sakayan na to, ngayon lang kita nakita.


Habang naghihintay sa susunod na bus na dadaan, tumabi ka sakin.



Sa saglit na pagtatama ang tingin nating dalawa, ay kasabay ang unti unting pagpatak ng ulan. Palakas ng palakas. Hanggang sa wala na tayong naririnig kundi ang pagtama ng tubig sa lupa.








Sa gilid ng kalsada, sa bawat patak ng malakas na ulan. habang naghihintay ng sasakyan, nabuo ang unang ala-ala nating dalawa.

Loin de ToiWhere stories live. Discover now