Three

22 4 1
                                    

Lumipas ang tatlong buwan, at magkokolehiyo na tayo.

Sinagot kita sa lugar kung saan ka umamin na gusto mo ako.

Wala nang mas sasaya pa sa mga panahong yon para sakin.

Napagdesisyunan nating dalawa na mag aral sa Maynila.

Nakitira ka sa mga kamag anak mo sa Maynila habang ako naman ay humanap ng maliit na apartment.

Halos araw araw rin kitang kasama sa bahay kaya naging madali at masaya ang unang taon natin sa kolehiyo.

Sa ikalawang taon natin, ay sinurpresa mo ko sa gitna ng field ng university kung san tayo nag aaral.

Binigyan mo ko ng hugis pusong kwintas na may litrato nating dalawa sa loob.

Walang okasyon nang araw na yon kaya tinanong kita kung para saan ang lahat ng hinanda mo.

"Gusto ko lang iparamdam sayong mahal kita araw araw. May okasyon man o wala."

At para bang sang ayon sayo ang langit dahil ilang minuto lang ang nakalipas, ay bumubuhos na ang ulan.

Ayon na yata ang pinakapaboritong ala ala ko.

Ikaw at ako, sa gitna ng malawak na damuhan, habang basang basa ng ulan.

Niyaya mo akong sumayaw ng walang tugtog, di alintana ang tingin ng ibang tao.

Noong araw na yon, mas lalo kitang minahal. At alam kong mas mamahalin pa kita at gusto na kitang makasama habang buhay.




Sa simula ng ikatlong taon natin sa kolehiyo, nagsimula na rin ang sakit na di ko akalaing mararamdaman ko dahil sayo.

May mga araw na hindi ka nagpaparamdam.
May mga panahong nakakalimutan mo na ang mga mahahalagang araw natin.

Halos ilang buwan kang ganito. Ibang araw ang lambing mo, pagkatapos ay. maglalaho ka nalang bigla.

Ang desisyon akong tanungin ka isang araw tungkol sa nangyayari sayo.

Pero ang sagot mo lang sakin ay ang magandang ngiti mo.

Akala ko kapag kinausap kita ay babalik ka na sa dati. Pero ganon ka padin. Nawawala at babalik na para bang walang nangyari.

At sa twing tinatanong kita, ay ngingitian mo lang ako at aaktong wala kang narinig.

Gabi gabi akong hindi pinapatulog kung ano bang nangyayari sa ting dalawa.

Sa taon na tinagal natin, hindi ko maisip kung ano bang mali sating dalawa, o kung ano bang mali sayo o sakin.

Sa mga gabing yon, di ko mapigilang maluha dahil kahit kaylan pala, ay hindi ka nagsabi ng problema mo.

Kahit isang beses ay hindi ka nagkwento.

Ang unti lang pala ng alam ko tungkol sayo. Pero hindi ko napapansin kasi ang alam ko lang ay mahal kita at mahal mo ako.




Lumipas na uli ang isang buong taon. Sabi ng ibang kilala natin, hindi nila alam kung paano ko natitiis na ang pag alis alis mo.

Pero ayos lang sakin. Basta bumabalik ka. Basta mahal mo padin ako. Titiisin ko lahat.




Isang araw, nagdesisyon akong puntahan ka sa bahay nyo, ipinaghanda kita at ang mga kaklase mo ng pagkain dahil sabi mo ay malapit na ang pasahan ng thesis nyo.

Walang tao sainyo kaya dumiretso na ako sa kwarto mo.

Hindi ko alam na posible palang makaramdam ng sobrang sakit ang isang tao nang dahil lang sa nakikita nya.

Nasa loob ka ng kwarto. Pero di ka nag iisa.

Kasama mo yung babaeng sinabi mong kagrupo mo sa thesis nyo.

Pero hindi ako tanga para hindi malamang hindi thesis ang ginawa nyo.

Lalo na sa nakikita ko.

Kayong dalawa, nasa ilalim ng isang kumot, walang damit at mahimbing na natutulog.



Umalis ako ng doon ng walang ginagawang ingay at lumabas.

Napatawa ako sa sarili ko. Umuulan.

Kasabay ng mga patak ng ulan ay ang mga luha kong nag uuna unahan sa pagbagsak.

At pagkabalik ko sa apartment ko, ay lalo lang lumakas ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.

Ang sakit ng nararamdaman ko. Nakakabaliw. Para akong pinapatay.

Hindi ko alam kung pano kita haharapin kinabukasan ng hindi tutulo ang mga luha ko.


Pero hindi ko na pala yon kaylangan problemahin.

Nakatanggap ako ng message mula sayo na magkita tayo sa lugar kung san mo ako sinurpresa.

Hindi na ako nag abala pang magpalit ng damit, at magdala ng panangga sa ulan.

Naroon ka na pag dating ko. At sa mga sinabi mo, yung sakit na akala ko pinapatay na ko kanina, may mas ilalala pa pala.







"Maghiwalay na tayo."

Loin de ToiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon