Four

18 4 1
                                    

Sa gitna ng malawak na damuhan, habang umuulan, walang alinlangan akong lumuhod sa harap mo. Nagmamakaawang wag mo kong iwan.

Hindi alintana ang tingin ng mga estudyanteng kanina'y abala sa thesis pero ngayon ay para bang nahihiyang nakatingin sating dalawa.

Wala akong pakialam sa iisipin nila. Ayokong iwan mo ko kaya kahit magmakaawa ay gagawin ko.

Pero ayaw mo. Nakakatawa, inamin mo sakin ang mga bagay na nakita ko na kanina sa mismong kwarto mo.

Matagal nang may nangyayari sa inyo. At pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa.

Iniwan mo akong umiiyak sa ulan noong araw na yon at hindi na ulit kita nakita.

Hindi nadin ako nagtangkang hanapin ka pa.





Pero hanggang ngayon, iniiyakan padin kita. Hanggang ngayon, ikaw parin. Mga ala ala mo padin ang gumigising sakin.

Isang linggo nalang ay magtatapos na tayo ng kolehiyo.

Iiwan ko na ba lahat ng ala ala mo sa pagtatapos natin?

O susubok ako sa huling pagkakataon na makikita kita?

Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko.

Parang isang malakas na bagyo na walang balak tumigil sa pagbuhos.

Kinakapos sa hininga akong napaupo sa sahig sa ilalim ng binatang hinahampas ng malakas na ulan.

Paulit ulit na inaalala kung pano tayo nagsimula at kung paano tayo nakarating sa katapusan.

Hanggang sa di ko namamalayang nakatulog pala ako.






Nagising ako sa lakas ng kabog ng pintuan ko. Gabi na at humina nadin ang pagbuhos ng ulan.

Kinuha ko ang pepper spray bago ko buksan ng dahan dahan ang pintuan.

Parang lumundag ang puso ko nang makita kita sa labas ng bahay ko.

Pero hindi nagtagal ang galak ko nang makita ko ang estado mo.

Lasing na lasing ka.

At ilang beses mong pinaulit ulit na hindi mo ako mahal.

Paulit ulit kong narinig sayo na dapat kalimutan na kita dahil iba na ang mahal mo.

Akala ko pumunta ka dito para balikan ako. Pero nandito ka lang pala para bigyan ulit ng sakit ang puso ko.

Nakatulog ka na sa sahig dahil sa kalasingan habang ako ay iyak lang ng iyak sa tabi mo.

Ang sakit pala kapag sayo ko na narinig. Para akong sinasaksak ng paulit ulit.


Bakit mo ba nagawa sakin to?

Ano bang kasalanan ko?

Ano pa bang kulang?


Hindi ako papayag na ako lang ang masasaktan ng ganito.

Ilang ulit mo nang pinapatay ang puso ko, ngayon ikaw naman.

Loin de ToiWhere stories live. Discover now