4th Fall

2.5K 62 1
                                    

~4th Fall~

JUSTIN sighed deeply. Tumigil lang naman ang kotse niya out of nowhere. Imposibleng may sira yon dahil kakapa-check up niya lang doon last week. Meaning, he ran out of gasoline.

He went out of the car and close its door forcefully na naglikha ng malakas na ingay.

Sinipa pa niya ang gulong niyon sa sobrang inis.

"Fuck!" Mahinang tumalon-talon pa siya habang nakataas ang paang pinangsipa niya sa gulong. Na hindi naman sa mismong gulong tumama, kundi sa metal na pinagkakabitan niyon.

As usual, he ran away again. Away from his crew, his manager, his work, and definitely away from Thannaly.

Kung noon hindi niya pinapansin ang mga demands ng ka-love team ngayon pakiramdam niya nakakasakal na iyon.

Kagagaling lang niya sa set ng movie na syinu-shoot nila to confront Thannaly. Dahil sa interview dito kaninang umaga na napanood niya.

Umiiyak ito sa nasabing interview while saying na may tampuhan nga sila dahil sa aktong nakita nito na magkasama sila sa isang mall ng isa ring teen star na si Laurice Alcantara.

Nag-eskandalo sa naturang mall si Thannaly na nagpainit ng husto sa ulo niya.

Thannaly accused Laurice na manga-agaw and all. Samantalang ang nakita lang naman nito ay magkasama silang kumakain sa isang restaurant.

Natatarantang nagpaliwanag si Laurice na nagkataon lang na nakita siya nito at naki-share ng table habang inaantay ang teen star din na kaibigan nitong si Nyles Park. But Thannaly did not listen to them and continued her hysterics.

Sa sobrang humiliation at inis sa babae, hinila niya si Laurice na naiiyak na at nag walk out.

Ilang tao pa sa restaurant ang kinuhaan ng video ang nangyari na kumalat sa media at networking sites.

Actually, Laurice and Nyles are good friends of his. Naiinis siyang napahiya si Laurice sa restaurant at ngayon nama'y kinaiinisan ng mga fans ng love team nila ni Thannaly.

Ang sobrang nakakainis pa ay ang ginagawang pagpapa-interview ni Thannaly na puro iyak at paawa sa media. Even though they all knew na wala naman silang relasyon.

Noon hindi niya na lang ito pinapansin sa pagkilos nito na parang sila. And yes, on-cam, he acts like a sweet boyfriend to her, but hell! That's job. Ganon naman talaga sa showbiz. Para mas bumenta ang teleserye o pelikula, there should be a relationship in between love teams. But that's it. All for work.

Pero nang i-confront niya si Thannaly, ito pa ang nagagalit sa kanya. Nang tapatin naman niya itong wala naman silang relasyon, she used her fake tears again then walked out.

And his manager asked him to say sorry to Thannaly and tell the media na si Laurice ang may kasalanan.

So here he is. He ran away. At kung nasaan siya, hindi na niya alam. Napasandal na lang siya sa kotse and again, took a deep sigh.

"Now what?!" He frustratedly asked himself.

Walang gasolinang kotse out of nowhere, he did not brought his phone sa inis sa mga tumatawag sa kanya, and he left his freakin' wallet inside his manager's office.

Tumingin siya sa papadilim na langit nang biglang—

"Shit!"

Bumuhos ang malakas na ulan. Binuksan niya ang pinto ng kotse pero naka-automatic lock iyon sa loob. At ang susi ay nakasaksak pa sa ignition along with his other keys.

He laughed sarcastically.

"Can this day get any better?!" He shouted while looking up above.

Napaupo na lang siya at napasandal sa pinto ng kotse.

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now