3rd Fall

2.3K 68 0
                                    

3rd Fall

SOFHIA opened the gate and headed to the door. As she expected, there are plastics of groceries sa sala. Nandoon din ang isang malaking box na alam niyang naglalaman ng imported goods. Wala narin ang bill ng kuryente, tubig, telepono, cable at internet sa ibabaw ng ref.

She sighed. Tama ang hula niya na ang nasalubong nilang kotse sa daan ay ang driver ng daddy niya.

Every month na pumupunta iyon sa bahay niya para dalhan siya ng lahat-lahat at bayaran ang bills. Siguro galing nanaman sa business trip and dad niya kaya may isang box ng imported goods.

Well atleast, her father doesn't forget her. She thought, trying to console herself.

"H-hey."

Nagulat siyang nilingon ang nagsalita to find Sander catching his breath.

"Ay oo nga pala, kasama nga pala kita!", natapik niya ang noo sa pagkaalala.

"So you really forgot na kasama mo ko? Dumaan lang yung kotseng muntik nang bumunggo saken kanina, nagmamadali ka nang nanakbo at kinalimutan na may kasama kang severely injured na hot actor.", mukang nagdaramdam na litanya nito.

Hindi na lang siya sumagot. Nang masalubong kasi niya ang kotse akala niya dumating ang daddy niya. Kaya nagmamadali siyang pumunta sa bahay.

Iyon pala ay tulad ng dati. Driver lang iyon ng dad niya na dala lahat ng ito.

Tahimik na lang siyang pumunta sa kusina at kinuha sa racks ang first aid kit.

Nadatnan niya si Sander na nakaupo sa sofa at tila sinusuri ang paligid.

Tumingin ito sa kanya na tila nais magtanong pero minabuting hindi na usisain ang pananahimik niya.

"Let me see your foot."

Tahimik naman itong tumalima. Itinaas niya ang jogging pants nito up to his knee.

"Saan ba masakit?"

"There in my uhm .. heel and sa .. part ng binti ko."

Nakita niyang may kaunting bruises nga ito sa may likod ng binti at sa paa nito.

She first cleaned the bruises by a white cloth na binasa niya kanina ng maligamg ng tubig atsaka niya in-apply-an ng betadine. Bahala na siguro ang mga totoong doktor kung sakaling may na-dislocate man dito.

JUSTIN watched this girl as she quietly nurse his bruises. Napakagaan ng mga kamay nito at hindi man lang siya makaramram ng kirot.

Bigla siyang nanibago sa biglang pag switch ng mood ng babae. He's not sure if it is really about na car that passed them by.

"Alright. Just stay still there habang kinukuha ko ang kotse.", anitong tumayo at kunway lalabas na.

"W-wait ... !", sabi niyang nagpatigil dito at nagpalingon sa kanya.

Nagtatanong ang mga mata nito.

"Ihahatid mo agad ako? I thought may condition pa?", he said, trying to prolong his stay.

Ngumiti ito ng tipid. He doesn't know but ... that smile made his heart beat faster. Even though sadness evident in her eyes.

"Lucky you. Hindi ko kailangang dagdagan pa ang kayamanan ko ngayon.", she said before turning and get something on a counter. White envelop yon. "See? Mas mayaman pa ko sayo at this very hour. Kaya next time na lang kita sisingilin. At iyon ay kung may next time pa. Pero wag mong kalimutang doble na yon!", sa pagsasabi niyon ay muling bumalik ang sigla sa mga mata nito.

"But I insist. Ayoko ng may utang na loob.", he said kahit alam niyang nagwawala na ngayon ang direktor ng pelikula at nababaliw na ang buong crew sa paghahanap sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito.

"Okay. If you really insist. Bayaran mo na lang ako. Cash.", anitong isinahod pa ang isang palad.

That made him laugh. He guess she's now really back to her self.

"Muka ka talagang pera 'no?"

"Oo naman. So ano, may pambayad ka?"

"None."

"Yun naman pala eh. Tara na."

Lumapit ito sa kanya at inalalayan siya. Hindi na siya kumontra kahit kaya naman niyang maglakad. Cause he can smell her scent that way.

She smells like ... spring. So calming and pleasant. Unlike Thannaly na laging parang nage-endorse ng pabango.

He realized he doesn't like his love team's scent. Pero noon wala naman siyang pakielam doon.

Maybe because he found someone to compare to her.

And that is this money-sucker fake ghost girl.

××



EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant