16th Fall

2.1K 52 3
                                    

16th Fall

NATIGIL si Sofhia sa akmang pagtataas ng dalawang kamay sa pag-iinat at napatakip ng bibig upang pigilan ang paghihikab.

OMG. Hindi pa siya nagtu-toothbrush! Kakagising niya lang at baka bad breath pa siya.

Bakit ba kasi nasa kusina ang lalaking to? At anong ginagawa niya sa may pinto?!

Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Sander pagliko niya sa pinto habang nag-iinat at naghihikab. Sobrang lapit pa ng mukha nito at tila sinadyang hindi lumayo.

Nakaramdam naman siya ng hiya. Papano kung bad breath talaga siya? Sheez!

"Good Morning."

Matamis na ngumiti naman ito. Hindi parin nilalayo ang mukha sa mukha niya. Bakit ba kailangang ito ang lumayo? Pwede naman na siya. Kaya agad siyang umatras.

Hindi parin inaalis ang kamay sa bibig na nagsalita siya.

"What are doing in my kitchen?" Pinagtaasan pa niya ito ng kilay. Baka sakaling masindak at mabura ang nakakairita nitong ngiti.

He just chuckled. Teka, pinagtatawanan ba siya nito?

"Cooking, sweetheart." Anitong natatawa parin.

Agad naman siyang napatingin sa kamay nitong may kapit na spatula.

Basa parin ang buhok nito galing sa paliligo. Nanlaki naman ang mata niya ng marealize na naka-topless pala ito habang naka-faded blue jeans.

And the damn faded blue jeans is hanging... low below his waist. Napalunok siya.

Narinig naman niya itong tumikhim kaya napa-angat siya ng tingin mula sa low-waisted na faded blue jeans.

Nahuli niya itong nagpipigil ng ngisi at nakataas ang isang kilay.

Sht! Bakit ba siya napatitig? Hindi nga? Tumitig ba talaga siya?! OMG!

Bakit kasi ito nagta-topless sa kusina? Nasaan ang mga peste niyang loose shirts o kahit apron for f's sake?!

Ngayon niya lang ito nakitang walang suot na pang-itaas. Kahit na maraming beses itong natulog at ginawang hide out ang bahay niya noon, never niya itong nakitang ganon. At... at... kelan pa ito nagkaroon ng... ng... ng abs!? Bakit ngayon niya lang napansin na parang naging matipuno ang pangangatawan nito? Kelan pa ito nagkaroon ng muscles sa mga braso? Bakit... bakit parang uminit ang paligid? May sira ba ang aircon?

Muli itong tumikhim kaya nagiinit ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin sa katawan nito.

Hindi rin siya makatingin sa mukha nito dahil siguradong siyang namumula ang mukha niya.

"So..." Tila sadyang binitin nito ang sasabihin. "What do you wanna eat?"

Bakit iba yung paraan ng pagkakasabi nito niyon? Bakit parang... parang nanlalandi? Inaakit ba siya nito?!

"Ahh... uhm..."

Ano nga yung tanong? Bakit hindi pumapasok sa isip niya? Hindi sinasadyang napatingin ulit siya sa katawan nito. In his torso... down to his six-pack abs.

Bakit hindi niya maalis ang tingin don? Bakit parang nang-aakit ang mga iyon at parang nai-glue doon ang paningin niya?

"So?"

"Ay pandesal!" Napatili siya ng wala sa oras ng humakbang ito palapit sa kanya.

Agad niyang natakpan ang bibig niya ng dalawang kamay.

Sht. Sinabi niya ba yung pandesal?!

Napaatras naman siya ng muli itong humakbang palapit.

"W-what?" Nauutal na muli siyang napaatras dahil humakbang nanaman ito palapit.

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now