14th Fall

1.9K 54 7
                                    

14th Fall

"SOFHIA FEIGH FUENTEBELLA! Where the hell are you?!"

Automatic na nailayo ni Sofhia sa tenga niya ang cellphone. Sobrang lakas kung makasigaw ni Chaii! Kahit kelan talaga yung babaing yon.

"Hello? Sofhia?!"

Naiiling na naibalik niya sa tenga ang phone.

"Calm down, Chaii."

"How can I calm down?! Tatlong araw ka ng hindi umuuwi sa bahay mo. Hindi ma-contact ang phone mo. Nai-report ka na nga namin as Missing! Buti na lang tumawag ang dad mo samin at sinabing you're just taking a break and you're okay. Good Lord, Fhia! Pang-ilang beses mo na ba 'tong ginagawa samin? Sa tingin mo ba hindi kami nag-aalala? Fcuking answer me!"

Humugot muna siya ng malalim na hininga at halos mapairap sa haba ng sentimyento nito. But its her fault. Alam niya iyon.

"I'm sorry, Chaii. Please tell Jazzie and Fri that I am really sorry. Alam kong pinag-alala ko kayo."

"Alam mo naman pala eh! Bakit hindi ka nagsabi? At bakit kailangan mong patayin ang phone mo? Hindi ba uso ang text? Kahit man lang sana 'Hey bitches, I'm going somewhere. Dont look for me. I'll be safe.' But damn, Sofhia! Pinag-alala mo kami!"

"That's why I'm so sorry." Anya sa maliit na boses.

Bumuga ito ng hangin. Halos maramdaman niya ang frustration nito mula sa kabilang linya.

"Sorry, Chaii." Marahang ulit niya.

"Fine. Fine! Nasaan ka ba talaga? Mahigit isang linggo na lang, kasal na ni Jazzie! May pa-disappearing act ka pang nalalaman."

"Just... uhm---"

"Don't ever try to lie, Sofhia. Where.Are.You."

Napabuntong hininga na lang siya.
"I'm on Tagaytay, okay? And If you have doubts, you can come and check me out here."

"You better be there, bitch."

She smiled at that. She was forgiven, she knows. "Yeah. Really."

Ilang bagay pa ang pinagkwentuhan nila bago nito tinapos ang tawag.

Tuluyan siyang bumangon sa kama at nag-inat. Nakita niya sa digital clock na alas otso y media na ng umaga pero ang sarap parin magbabad sa kama. Sobrang nakakaantok ang hangin dito sa Tagaytay.

Sa unang araw nga niya dito ay literal na magdamag lang siyang nanatili sa kama at binalot ang sarili sa comforter. Nagpagulong-gulong. Tumulala sa kisame. Kumain ng cookies na nilagay niya sa side table. Yes, yun lang ang kinain niya. Buong maghapon at magdamag na yon. Kaya kinabukasan, sobrang gutom ang naramdaman niya.

On her second day at Tagaytay, nagsight-seeing lang siya. And on the third day, which is yesterday, tiningnan niya ang sight ng pinagpapatayuan niya ng branch ng Sofhie's. Kinumusta ang mga trabahador, kinilala ang magiging mga kapitbahay ng shop. Nakapag-conduct naman na siya ng Marketing Research sa partikular na lugar na iyon bago pa niya sinimulan ang plano sa pagpapagawa nung branch kaya wala na siyang gaanong inaalala.

In-interview niya rin kahapon ang mga aplikante para sa mga crew ng café. So far okay naman at na-kompleto na niya ang bilang ng kinakailangan niyang employees. At dating kaklase at kaibigan naman niya ang kinuha niyang manager.

So sa ngayon, wala na talaga siyang gagawin. Pwede kayang mahiga na lang ulit siya maghapon? Tipid pa yun.

Pero mag-iisip na naman siya ng mag-iisip pag-ginawa niya yun. Tama na ang isang araw na pag-iisip.

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now