Final Fall

2.8K 71 9
                                    

Atlast. Sander's :)
May Epilogue pa po!
~r
×××××

Final Fall

SANDER can't help it but to look at his wrist watch over and over again. Paulit-ulit din siyang tumitingin sa projected digital clock sa harap ng stage. Umaasang baka magkaiba yung mga oras.

Pero pareho lang ang sinasabi ng mga orasan. 7:30 na. At 6:00 ang usapan nila nina Friday at Sharlott, fuck! Baka talagang nagalit na si Feigh! Napasobra yata siya ng ginawa.

Pero sobra din naman siyang nahirapan sa ginawa niyang pagtikis dito ng halos dalawang araw! Nung lumabas nga yung pictures nila ni Shannon sa balita muntik na siyang sumugod sa bahay ni Feigh para magpaliwanag. Wala naman kasi sa plano yun! Dapat lang magpapa-miss siya ng dalawang araw. Fuck shit lang talaga. Buti napigilan siya ng dalawang kaibigan ni Feigh.

Actually, sina Friday at Sharlott ang kasama niya simula kahapon hanggang kanina. Sandali niya lang nakasama si Shannon dahil may hiningi siyang pabor dito. Ewan ba naman dun at nagpumilit umangkas sa harley niya. Eh syempre nga dahil may hinihingi siyang pabor pinagbigyan niya. Malay ba niyang kakalat din iyon.

Kinakabahan na talaga siya. Paano kung hindi pumunta si Feigh? Paano king sobrang galit talaga ito? Paano kung hindi na siya kausapin? Damnit! Kaninong ideya ba kasi ang wag siyang kausapin?

Pag iyon talaga nagalit, sasakalin niya yung nakaisip ng ideyang to.

"She'll come, bro. Don't be such a nervous shit." sinundan pa nito ng tawa iyon.

Speak of the devil and the devil will come. Kanina nga ay iniisip niya lang na sakalin ang nakaisip ng ideyang iyon at hayun. Dumating ang walangya.

Kurt Saavedra. Agad niya itong binigyan ng matalim na tingin.

Matagal na silang magkakilala nito lalo na nang pareho silang nasa states para sa mga trabaho nila. Pero kahit kailan, hindi sila naging malapit sa isat-isa. Hindi kasi sila magkasundo. Nababanas siya sa ugali nitong puro kayabangan at papalit-palit ng babae. Kaya hindi siya naniniwalang seryoso ito sa kaibigan ni Feigh.

Hindi niya alam kung bakit sumang-ayon siya sa mga ideya nito. Hindi niya rin alam kung may plano itong magdirektor na lang imbes na ramp model. Mas may kinabukasan ito sa mga kagaguhang pagpaplano ng eksena eh.

Pero aminin man niya o hindi maganda talaga ang plano nito. Grabeng lawak ng imahinasyon! Maganda talaga iyon... kung mangyayari! Eh wala pa nga si Feigh! Napapamura na siya ng malutong na tagalog sa isip niya. Isang oras at kalahati nang lampas sa usapan.

Nakaayos na ang lahat. Heto't nakatayo na nga siya sa gitna ng stage.

"I told you so. Sabi ni Li, papasok na sila. On my cue, start your fucking cornie song okay?"

Biglang parang may sumisipa sa loob ng dibdib niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya sa kaba.

She's coming. At last.

Namatay ang maliliwanag na ilaw at nagsimula ang instrumentals ng kanta sa senyas ni Kurt.

A violet dim lights serves as their light. Malabo iyon para makita ang kaubuuan ng center pero sapat para makita niya ang mabagal ng paglakad ni Feigh papunta sa unahan. Iginigiya ito ng dalawa nitong kaibigan. Diretso ang tingin nito sa kanya kahit malayo. Sobrang bagal ng lakad nito na parang ayaw saksihan ang lahat.

For a while we pretended

That we never had to end it

But we knew we'd have to say goodbye

It was a week before his concert eight years ago when Thannaly talked to him ...

~
Malakas na ihinampas ni Thannaly ang isang brown envelop sa table sa loob ng dressing room niya.

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now