15th Fall

1.9K 56 3
                                    

15th FALL

JUSTIN SANDER VERDAN.

Kahit anong pilit na sabi ni Sofhia sa isip niya na sobrang imposible na si Sander iyon, alam niya. Alam na alam niya. Hindi siya pwedeng magkamali.

Dahil iyon ang boses ng lalaking handang niyang ibayad ang lahat ng pera niya sa bangko at lahat ng ari-arian niya, maka-upa lang ng gun man para kitilin ang buhay.

Oo, maraming beses na niyang naisip na gamitin ang kayamanan niya at ipa-assassinate na lang si Sander. Para hindi na niya ito makita sa telebisyon, sa dyaryo at magazine. Para hindi na niya marinig ang boses nito sa radyo at mga tugtog sa mall at groceries pag namimili siya.

Para matahimik na ang buhay niya.

Pero narealize niya lang noon na, wag na lang pala. Sayang ang pera.

Ngayon nga, hindi parin niya alam kung haharap ba siya dito o mas dapat siyang tumakbo ng sumisigaw dahil hindi duguan na bangkay ang nandoon. Mas lalong hindi zombie na mangangain ng brains. Kung hindi isang walangya at paasa na lalaki kung saan nanganganib hindi ang brains niya kundi ang puso niya. OMG!

"P-please... p-please."

Nawala lahat ng takot at pangamba niya para sa puso niya nang muling marinig ang hirap na pakiusap nito.

E, ano naman kung manganib ulit ang puso niya? E, matagal naman na iyong naghihingalo at walang silbi. Para saan pa at protektahan ang kanyang puso mula sa lalaking nakahandusay sa damuhan?

Ang importante, matigil ang sakit na nararamdaman niya dahil sa sakit naririnig niya sa boses nito. Doble niyon ang tumatagos sa dibdib niya at parang sumasaksak sa naghihingalo niyang puso.

Hindi na muling nag-isip na humarap siya kay Sander. At parang nilamukos ang puso niya ng matantong si Sander talaga ang lalaking iyon. Hindi mapigilan ang luha na agad na lumapit siya sa kalunos-lunos na kalagayan nito.

He... he was all beaten to black and blue. Ni hindi nito maidilat ang kaliwang mata at namamaga iyon.

"Oh my God! Sander! Sander what happened?! Pa... paanong--?!" Nagpapanic na dinaluhan niya ito at hindi niya talaga mapigilan ang pagbuhos ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

Sa gulat niya ay pilit na ngumiti pa ito at pilit na itinaas ang isang kamay para marahang haplusin ang kanyang pisngi.

"I... I must be really dying right now." Muli ay pinilit nitong magsalita kahit hirap na hirap na ito.

Lalong bumuhos ang luha niya.

"NO! No, Sander, no!" Anya na halos mapahagulgol na dahil sa kalagayan nito.

"F-feigh..." Iyon lang at parang walang buhay na bumagsak ang kamay nitong humahawak sa pisngi niya.

Natigil pa siya sa paghikbi at sandaling natigilan nang marinig na binanggit nito ang pangalan niya.

Ngunit agad din siyang nag-panic ng tuluyan itong mawalan ng malay.



"WHAT is the name of the patient Miss?" Tanong sa kanya ng nurse sa front desk ng ospital na pinagdalhan niya kay Sander.

Hindi niya maalala ng maayos kung papano niyang nadala si Sander doon ng mag-isa. Agad itong dinala sa ER. Halos wala kasi siya sa sarili buong panahon na nag-drive siya, habang nasa loob ito ng ER at hanggang ngayon na hindi parin ito nagigising.

Pero nailipat na ito sa isang private room at ayon sa doctor na tumingin dito ay maayos na daw ang kalagayan nito. Any time now ay maaari na itong magising.

Hindi parin niya maintindihan kung paanong napunta ito sa Tagaytay at nagkaganon. Dapat ay nasa US ito ngayon. Papanong naka-uwi ito ng bansa ng hindi nalalaman ng lahat? Ng media? At sino yung mga lalaking nag-iwan dito doon? Sino ang mga nang bugbog sa kanya? Bakit siya binugbog ng ganon na halos ikamatay niya? Parang gusto niya ulit umiyak nang maalala ang nakakahabag itsura nito kanina.

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now