Chapter Thirty Five

35 4 0
                                    

This is the last chapter of ONYE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This is the last chapter of ONYE. The next update will be the ending. I love you guys so much! Stay safe, drink lots of water, drink your vitamins everyday (wa'g kayo gumaya sa 'kin na palaging nakakalimutan hahaha) and exercise daily! xoxo 💖

PS: this is unedited. Bare with me. Hehe thank you!! Also, this ain't a tragic one. Trust me 😜

I knew Elyse since we were in grade 9. Her circle of friends are very loud and jolly. She's known for being responsible. Balita ko nga palagi siyang pinipili maging class president. At first, she didn't really catch my attention. There was nothing special about her.

When we entered in grade 10, she was the representative of their class for the search of Lakan and Lakambini. When I laid my eyes on her it was like everything became in slow motion. The cheering of the crowd became faint. My heart started pounding like crazy.

"Dude, okay ka lang?" Karter, my friend asked.

"Bakit nakatunganga ka dyan?" ani Cyrus, aking pinsan.

"Para kang timang Zandro!" kantyaw ni Rex.

"Siguro naka kita ng anghel!" si Ivan.

"Kilala niyo ba si Elyse?" tanong ko.

"Ayun!!!"

"Na-in love ang gago!"

"Naka kita nga ng anghel!!"

Madami pa sana akong itatanong kaso ayokong asarin nila. Baka gumawa pa sila ng eksena dahil sa lalakas ng boses nila. Unfortunately, she didn't win.

Pag dating ko sa bahay agad akong nag mano kina Mama at Papa bago pumasok sa kwarto. I opened my Facebook account and typed in her name on the search bar.

Should I send a friend request? Should I send a message? Ano naman ang sasabihin ko? Better luck next time? Mas maganda ka naman kesa sa nanalo? My heart is racing as I click the message button and type my message.

Zandro: Hi Elyse! Gusto ko lang sabihin na ang galling mo kanina. You represented your class well! Sayang nga lang at hindi ka nanalo. Anyway, congrats pa rin!!

Ngumiwi ako pagkatapos iyon i-type. Bumuntonghininga ako at ginulo ang buhok bago binura ang boung mensahe. I've liked girls before but I really didn't get to the point where I want them to be my fling or my girlfriend. In short, wala akong experience sa mga ganyan. But it's really different this time. Kay Elyse, gusto kong mag seryoso. Gusto kong pasayahin siya lagi. Gusto kong ibigay ang lahat. Pero paano ko gagawin yun eh ngayon pa lang nahihiya at natotorpe na ako?

"Zandro! Anak, kain na!" si Mama na biglang pumasok sa aking kwarto.

Agad kong tinago sa aking pinasok sa aking bulsa ang aking telepono. Baka asarin na naman nila ako. I stood up and smiled.

"Anong ulam, Ma?"

"Asus! Don't change the topic! Ano yun? Bakit mo biglang pinasok ang cellphone mo sayong bulsa? May girlfriend ka na ba?"

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara