Chapter Seventeen

25 3 2
                                    

Pagkatapos ng finals exam wala ng masyadong klase

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos ng finals exam wala ng masyadong klase. Mga requirements nalang ang kailangan icomply. Kanina namin ginawa ang lahat kaya ngayon tapos na kami. Nandito ulit kami sa bahay nila Jewel para tumamabay.

Si Irene nakahandusay sa sahig habang nanonoud ng Kdrama. Si Nica ganon rin ang ginagawa. Ako ang gitna nila Jewel at Chie sa kama. Katawag ni Chie si Jared. Si Jewel nanonoud ng musical. Ako, natutulog. Nagising lang ako dahil sa tili ni Irene at Nica.

"Tumahimik nga kayo! Natutulog yung tao eh!" 

"Sorry, sorry... di ko kasi napigilan!!" si Nica. Si Irene binalewala lang ako.

"Guys, grade 12 na tayo next school year. Magt-take na rin tayo ng entrance examination sa chosen school natin." biglang ani ni Chie.

Napatingin ako sa kanya.

"Have you decided already where to study?" I asked.

"Oo. Me and Jared decided to study at UP. Ngayong summer mags-start na kaming mag review para sa UPCAT. Ikaw?"

"I want to study at MSU-IIT. Besides, my sister is studying there."

"Si Jared rin! Gusto niya rin sa MSU mag aral kaya magt-take rin siya ng MSU-SASE."

"Ako, kahit dito lang ako sa Butuan maga-aral okay na ako doon. May accountancy naman na course sa FSUU." si Irene.

"Hindi pa ako nakapagdecide kung saan ako mag-aral pero kahit saan okay lang sakin, wag lang dito sa Butuan. I want to live independently." si Nica.

Tiningala ko ang kisame bago nag tanong.

"Nakapagdecide na rin ba kayo anong kurso ang kukunin niyo?"

"Alam niyo naman na gusto kong maging abogado. But I'll probably take the medicine path as per the order of my family." malungkot na sagot ni Chie.

"Pangarap ko rin talagang maging abogado. Hindi pa nga lang ako nakakapagdecide sa pre law course ko." si Nica naman ngayon. "Ikaw, Elyse?"

"I really want to become a doctor. Bio siguro yung kukunin kong pre med course."

Tumango-tango sila. Silence filled the air until Jewel spoke and sighed.

"Buti pa kayo alam niyo na kung anong gagawin niyo sa inyong mga buhay."

"Diba gusto mo talagang pumasok sa Conservatory of Music sa UST?" 

"Kasi nga diba pangarap mong maging isang broad away actress. Kaya anong pinagsasabi mo dyan?" 

"Papa doesn't want me to study music." 

My eyes went to Jewel. She's also staring at the ceiling. Hindi obvious na malungkot siya dahil blanko lang ang kanyang mukha. I heard Irene sighed. She and Nica climbed onto the bed and hugged Jewel. Yumakap rin kami ni Chie sakanila.

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Where stories live. Discover now