Chapter Seven

26 3 1
                                    

It's been a few days since that incident happened

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's been a few days since that incident happened. Hindi niya na ako kinakausap. It's sad because I treated him as a friend. Well, I'm glad that we got to be friends for a short while pero siguro hanggang doon nalang talaga yun.

"Uy Elyse! Nag away ba kayo ni Zandro?" tanong ni Jewel. Kumakain kami ng lunch ngayon sa karenderya sa tapat ng school.

"Napansin mo rin yun?! Omg diba? Parang nag away sila or something." si Chie.

"True! Ano bang nangyari girl?" si Nica.

"Bakit ba andami niyong tanong?!" singhal ko.

Napangiwi sila.

"Galit ka? Gustong mong manaket?" si Irene.

I rolled my eyes at her.

"Noong una akala ko friends lang kayo ganon pero seeing how you react right now parang hindi lang friends." si Nica.

"Bakit? Nanligaw ba?" si Jewel.

"Crush mo siya? Or siya may crush sayo?" tanong ni Chie.

Umiling lamang ako sakanila. Nawalan na ako ng gana kumain pero dahil ayaw ko silang tignan pinaglalaruan ko nalang ang aking pagkain.

"Hmmm... Parang si Zandro naman ang may gusto sa friend natin eh! Let me guess, binasted mo no?" si Irene.

Tumingin ako sakanya. May gumuhit na ngiti sakanyang labi at tumawa silang lahat. Tompak ang hula ni Irene.

"Hala speechless si Elyse!!" si Chie, tumatawa pa rin.

"Bakit mo binasted?!" si Nica.

"Kawawa naman yung tao. Hoy bakit ba kayo tumatawa?" si Jewel. Nagtatanong pa kung bakit tumatawa!
They're obviously having fun!

"Si Irene kasi!"

"Oo nga!"

Irene held her two hands up, still laughing.

"Bakit ako? Anong ginawa ko sa inyo?"

"Gawin mo yung line ni Bea! Yung sa 'Four Sister In A Wedding'!" si Chie. Ang saya naman nila no!

"Ay oo sige!"

Nag seryoso sila. Hinawakan ni Irene ang kanyang dibdib, malungkot. Wow, ang galing naman ano! Parang kanina lang halos mamatay na kakatawa! Bagay talaga sakanya mag artista!

"B-Bakit parang kasalanan ko?" she then wiped her fake tears. Nagsitawanan sila ulit. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Bumuntonghininga ako at niligpit ang aking lunch box. Tumayo na ako, handa ng umalis.

"Wait lang girl! Ito naman!"

"Nagmamadali ka teh?!"

"Grabe siya!"

"Nagalit tuloy! HAHAHA!"

Iniwan ko na sila kaya mag isa akong dumating sa silid. Halos nandoon na ang lahat kaya maingay. Lalong umingay nang dumating sila Nica. Ugh! Pumasok na rin ang aming guru kaya tumahimik na sila.

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Where stories live. Discover now