Chapter Twelve

25 3 4
                                    

Pakiramdam ko mababaliw na ako! Bakit sila nandito?!

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Pakiramdam ko mababaliw na ako! Bakit sila nandito?!

"Anong ginagawa nila dito?!" pabulong na tanong ko kay Jewel.

Naglalakad na kami patungo sa aming cottage. Malaki ang cottage na kinuha nila kaya isa lang iyon.

"Si Irene at Chie ang may pakana nyan! Para daw sa 18 roses mo!"

Huminto ako sa paglalakad at hinilot ang aking sentido. Problemading-problemado. Huminga ng malalim. Tinawag na nila ako kaya nag simula na akong maglakad patungo sakanila. Jewel, Nica, Harmony and Kaia are now setting up the table with the boys. Pinaupo agad ako ni Alethea at Iana at nagsimula na silang mag makeup sa akin. Si Jayda at Sydney ang nagaayos sa aking buhok. Si Chie ay ipinapakita kay Jared ang sosoutin kong dress. Si Irene, sitting pretty lang.

"Okay! Your make up is done!" Alethea exclaimed.

"Also your hair!" si Jayda.

Tumingin silang lahat sa akin. Naghiyawan sila. Zandro grinned. My cheeks turned red.

"Ang ganda naman ng celebrant!" si Jared. Chie glared at him which made me laugh.

"Oo nga! Mukhang may mas lalong maiin-love dito!" si Ivan.

"Si Zandro oh! Abot langit ang ngiti!" si Cyrus.

Naghiyawan na naman sila. Siniko ni Zandro ang tiyan ni Cyrus kaya napadaing ito at mas lalong natawa. Nang nakita niyang nakatingin ako, ngumiti lamang siya.

"Of course she's pretty! I'm the one who did her makeup!" si Althea.

"Ang galing mo talaga, babe!" si Len sa girlfriend.

"Tsk. Hindi lang kaya ikaw ang nag make up! I did her eyebrows and nose, you know!" si Iana.

Tinawanan lang namin sila habang nagtatalo. Limang lalake ang inimbita nila. Si Jared, Len, Ivan, Cyrus at Zandro. Lumapit sa akin si Chie at ibinigay sa akin ang dress.

"Here... now go to the ladies room and change. Pagbalik mo magsisimula na ang party!"

Naghiyawan ulit sila. Sigurado akong bukas wala na silang mga boses. Pumunta ako sa CR at nag bihis. Pagkatapos ay tinignan ko ang aking sariling repleksyon. I'm wearing a spaghetti strap satin dress that's that ends above my ankle. It compliments my dewy makeup and red lips. Jayda styled my long hair into a low ponytail which completed the look.

Bumalik na ako sa aming cottage pero napahinto nang makita ang mga rose petals at candle lights na nakalatag sa buhangin, sa labas ng aming cottage. It all looks so bizarre. I looked at them with teary eyes. Nakabihis na rin silang lahat.

Sydney went to me with a rose on her hand.

"Happy birthday, Elyse!" she said and we started dancing.

Sumunod na ang aking mga kaibigan. Nang matapos ay ang mga lalake naman.

"Hoy ngayon lang kita ipapasayaw sa boyfriend ko huh!" sigaw ni Chie.

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora