Chapter Eleven

34 3 9
                                    

ZandroGood morning 🌞Sapphire? Tulog ka pa ata HAHAWake up, sleepyheadSapphireeee

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Zandro
Good morning 🌞
Sapphire? Tulog ka pa ata HAHA
Wake up, sleepyhead
Sapphireeee

I groaned. Kinuha ko ang aking cellphone sa side table. Sino bang nagc-chat sa akin ng ganito ka aga?! Bweset. Kulang pa ang tulog ko!

Elyse
Ugh ang ingay mo
Alas otso pa ng umaga ano ba

Zandro
HAHAHAHA
What time did you sleep last night?

Elyse
Anong last night?! Kaninag alas sais pa ako nakatulog no kaya tumahimik ka dahil hindi pa sapat ang tulog ko

Zandro
You seriously pulled an all nighter?! HAHAHA

Christmas vacation na namin ngayon. Almost 1 month din ang break at simula pa noong unang araw ay palagi na akong puyat. Wala naman talaga akong ginagawa masyado. Nanonoud lang ako ng mga movies at kdrama. Hindi naman ako naiinip dahil palagi akong binabagabag ni Zandro. He sends me a "good morning" text every morning and calls me every night.

Anong ibig sabihin non? Ayokong mag-assume pero di ko mapigilan! What the hell, Elyse Sapphire! Di ko siya nireplyan at tinulog ko nalang lahat ng bumabagabag sa aking isipan. Nagising ako ng alas dos sa hapon. Lumabas ako para kumain ng late lunch.

"Bakit ngayon ka lang nagising? Nag puyat ka na naman no?" si Mama nang nakita ko. Kinusot ko ang aking mata at humikab. Umiling lamang siya.

"Ito oh, pancit canton, mag luto ka nalang."

Tumango ako at kinuha na ang pancit canton tsaka niluto ito. Dahil kagigising ko pa lang, lutang pa ang aking isipan. Akala ko umalis na si Mama ngunit nag salita siya.

"Malapit na ang birthday mo. 18 ka na. I want to throw a party for you pero alam mo naman, anak na kapos tayo ngayon."

I turned to her and put on a big smile. To show her that it's okay. I don't want a grand debut party. Gusto ko lang makasama ang buong pamilya ko.

"Ma, okay lang. Naiintindihan ko. Ayaw ko naman talaga ng party eh. Sapat na sa akin ang makasama kayo."

Pinunasan niya ang kanyang luha na tumulo. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I'm really sorry, anak. I'm sorry kasi ganito lang ang kaya namin maibigay sayo."

A tear fell from my eye.

"M-Ma... okay lang sabi eh. Pinakain niyo ako, pinagaral at minahal. Sapat na yun sa akin."

"Pasensya na talaga, anak. Kasalanan ko kasi ang lahat."

Humikbi si Mama. Mas lalo akong naiyak.

"Hindi mo kasalanan, Lilibeth. Ako ang may kasalanan." kumalas ako sa yakap at pareho naming tinignan si Papa.

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu