Chapter Five

29 3 2
                                    

Sabado ngayon at nagising ako ng maaga dahil sa boses ni Mama at Papa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabado ngayon at nagising ako ng maaga dahil sa boses ni Mama at Papa. Mukhang nagaaway na naman sila. I went out of my room and saw them fighting at the dining table. Si Kuya Nyle nasa gilid, minamasahe ang kanyang sentido. Wala si Kuya Alwin baka pumasok na sa trabaho.

Nang makita ako ni Kuya agad niya akong pinuntahan at pinabalik sa aking kwarto.

"Bumalik na muna sa kwarto at matulog. Wag mo nang intindihin si Mama at Papa." he glanced back at our parents that are still fighting, hindi ako nakita. His gaze went back to me and put on a small smile before covering both of my ears. Hinatid na niya ako sa kwarto.

Umalis na si Kuya and I was left alone. I sat on the floor, my back facing the wall. My tears started streaming down my face. Hindi ko alam anong pinagaawayan ng mga magulang ko dahil hindi naman nila ako sinasabihin. Siguro nga mas mabuti na yun. Kasi sasakit lang lalo ang dibdib ko. Ayaw pa naman nila mangyari yun sa akin dahil baka atakehin ako.

An hour has passed when I felt something was stuck on my throat that's blocking me to breathe. I immediately grabbed my inhaler.

Elyse Sapphire, kumalma ka! Kamalma ka! My tears stopped falling. I whispered comforting words to myself. I calmed down. I inhaled a deep breath and closed my eyes, trying to find peace in my own world. When I exhaled, I stood up and fixed myself before grabbing my painting materials. My new found hobby.

Lumabas ako sa likuran kaya hindi ako nakita nila Kuya. Pumara ako ng tricycle patungo sa Gold and Pearl Bakery Café. I ordered a breakfast meal and a bottle of water. Hindi pa ako kumakain at kahit wala akong gana, I forced myself to eat. Ayaw ko naman mahimatay dito ano!

After eating, I started painting. Hindi pa ako ganoon ka galing kaya ang panget ng gawa. I sighed. I was supposed to crumple it when someone took it out of my hold.

"Bakit mo lulukutin? Eh ang ganda naman."

I looked at the person with irritation. Ano bang pakealam niya?! His face is covered with the paper kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

"Mind your business!"

I grabbed the paper and was taken aback when I saw a familiar face.

"Anong ginagawa mo dito?! Are you following me?! Stalker!"

Napatingin ang ibang tao sa amin. Zandro smirked and sat across me.

"Geez, calm down! Napadaan lang ako ng makita kita galing sa labas. You look... bothered so I went inside."

I rolled my eyes which made him chuckle.

"Buti nalang din at pumasok ako at naabutan kitang kumutin ito! Sayang kaya! How can you waste such a masterpiece?!" he dramatically said.

"Ang OA mo! Kalalaki mong tao tapos ganyan ka mag salita."

Ngumuso siya.

"Grabe ka! Sinabi ko na ngang maganda ang gawa mo eh!"

On New Years Eve (Amor Joven Series #2)Where stories live. Discover now