56.5 A brother

Magsimula sa umpisa
                                    

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit... pero kinakabahan ako at hindi mapanatag ang loob ko.

"Nakita ko siyang mag-isa lang dito. Kaya akala ko ay wala siyang kasama," muling sambit ng lalaki.

Dahan-dahan niyang ibinaba si Aren at hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi.

"Wala ba kayong kasama?" marahang tanong ng lalaki.

Umiling ako sa tanong niya. Parang walang salitang makalabas sa bibig ko.

"Kung gano'n, gusto niyo bang sumama sa akin?" nakangiting tanong niya. Napunta ang tingin niya sa nakababata kong kapatid.

"Nakikita kong may malubhang sakit ang kapatid mo... hindi makabubuti sa kaniya na nandito siya," dagdag niya.

Hindi ako nakasagot sa narinig. Hindi ko maitatangging tama ang sinabi niya. Kailangang gumaling ni Aren...

"Pwede kayong sumama sa akin. Ako ang mag-aalaga sa inyo. Matutulungan ko rin ang kapatid mo," nakangiting sambit ng lalaking kaharap ko.

"You can call me Papa."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Sinama kami ni Papa sa tirahan niya. Kagaya ng sinabi niya ay ginagamot niya si Aren.

Marami rin akong batang kasama rito. Pero ang mariin na ipinagbabawal sa akin ni Papa na makihalubilo sa kanila. Hindi raw nila dapat malaman ang katauhan ko at kung sino ako.

E02 ang ipinangalan sa akin sa akin ni Papa. Hindi raw ako katulad ng ibang mga bata rito at espesyal daw ako. Iba ang trato niya sa akin.

Pitong taon ang lumipas nang mapunta ako rito kay Papa. Sanay na 'ko sa mga trabahong ipinapagawa niya sa akin. Nagawa ko ng maka-adjust sa mga pagbabagong nangyari sa buhay ko.

Pero ang nag-iisang hindi nagbago ay ang kalagayan ni Aren. Imbis na bumuti ang pakiramdam niya ay mas lalo pa itong lumala.

"S-Saan niyo dadalhin ang kapatid ko?!" giit ko sa mga nannies nang alisin nila sa kwarto si Aren.

Imbis na sila ang sumagot sa akin ay si Papa na biglaang pumasok sa kwarto.

"Come on, Elroy. Dadalhin namin sa isang espesyalista si Aren. Para sa kaniya rin ito," pagpapaliwanag niya sa akin.

Hindi ako nakuntento sa sagot niya at kumunot ang noo ko. "Espesyalista? Saan?! Hindi kami pwedeng maghiwalay!" giit ko.

Pilit akong pinakalma ni Papa. "Mas mabuti ng hindi mo alam Elroy. Alam mo namang katulad mo ay kakaiba rin ang gift ng kapatid mo. Para rin ito sa kaligtasan niya."

"Pero..." Biglaang nagbago ang tingin sa akin ni Papa, bigla akong kinabahan.

"May trabaho akong ipagagawa sa'yo. Kapag nagawa mo iyon ay papayagan kitang bumisita sa kapatid mo."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Sinunod ko ang misyon na ipinagawa sa akin ni Papa. Ang maging espiya sa loob ng paaralan ni Helena. Ang babaeng sagabal sa plano niya.

Pumasok ako sa Lunar Academy. At sa hindi inaasahan ay napunta ako sa Grim Reapers. Ang guild na si Helena mismo ang bumuo.

Isa akong rookie at walang kaalam-alam. Napares pa 'ko sa isang manikang babae na walang ibang bukang bibig kung hindi ang mga matatamis na pagkain.

No'ng una ay akala ko ay hindi ko siya makakasundo. Dahil ang pinakaayoko sa lahat ay ang maingay. Pero habang tumatagal ay nasanay rin ako.

Hindi ko napansin na hinahanap-hanap ko na rin araw-araw ang boses niya at ang pang-aasar niya sa akin. And that continued for three years.

For me, it was a paradise. Parang nakalimutan ko ang mga hirap na pinagdaanan ko dahil sa kanila.

But I know it won't last forever...

"Patayin mo si Gin," sambit ni Papa sa kabilang linya ng telepono.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. "H-Ha?! Akala ko ba pagiging espiya lang ang pinunta ko rito?!" giit ko.

Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Papa sa kabilang linya, naiirita. "Tanga ka ba? Iyang batang 'yan ang nagsisilbing kanang kamay ni Helena. Magiging malaking problema 'yan sa plano ko," mariin na sagot niya.

Napaismid ako sa sinabi niya. "H-Hindi. Sa iba mo na lang ipagawa ang trabaho," pagmamatigas ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Matapos kitang kupkupin?" naiinis na sambit ni Papa.

"Patayin mo si Gin. Kung ayaw mong makitang bangkay na lang ang maabutan mo kapag nagkita kayo ng kapatid mo."

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon