13.10--Lalaking Naka-itim

2.2K 49 12
                                    

Sorry kung ngayon lang nakapag-update. nawalan ng net kagabi. 

Dedicated to: Haleone08

-------------------

Chapter 13.10--Lalaking Naka-itim

-------------------

Sino sa tingin niyo sina Uno, Dos at El? Paki-comment lang po ang sagot niyo.  Kung sino ang may pinakamalapit na sagot sa kanya ko ide-dedicate ang epilouge at gagawin kong character sa gagawin kong story. Ang title after epilouge nalang. :)

"Huwag! Bumalik ka na kasi sa Royalties. Kaya ko naman ang sarili ko eh." pangungumbinsi ko kay Liam.

Nandito kami ngayon sa cafeteria nakahalo sa mga normal na estudyante ng Royal Academy. Magmula kasi nang nagpakilala na si Liam na siya ang lalaking naka-itim hindi na siya nawala sa tabi ko, na agad namang nakarating kay Kim kaya pinapili siya nito kung ako o ang Royalties. Ewan ko ba dito kay Liam kung bakit ako ang pinili, I mean naa-appreciate ko naman na lagi siyang nandyan sa tabi ko pero ayaw ko lang kasi na may nadadamay na iba dahil sa akin.

"Why should I?" psh, yan na naman siya eh. Magmula kasi nung nagsalita siya na umabot sa mahigit sampung salita bumalik na naman siya sa pagiging tipid magsalita at lagi paring masungit at nakakunot ang noo.

But his eyes? Those emotionless cold eyes? Unti-unti ng nagkakaroon ng kahulugan parang isang coloring book na unti-unting nakukulayan ang mga pahina.

"Eh kasi kaibigan mo sila?"

"If they're true friends, hindi nila ako papapiliin kung sino ang pipiliin ko sa inyo. At kaya lang naman ako sumali sa Royalties ay dahil sayo." One..two..three..four..

"Psh.. What are you counting at?" naiinis na tanong nito.

"Eh kasi muntikan mo ng mabreak ang record mo sa pinakamahabang pangugusap na sinabi mo." Eh totoo naman kasi, marami na sa kanya ang limang salita.. pero nang araw na iyon?

Please. Huwag ka ng umiyak dahil nasasaktan lang ako tuwing nakikita kang nasasaktan ng dahil sa kanya. Hayaan mo ako na alisin ang sakit at palitan ng panibagong masasayang alaala. Keisha.. ako ang lalaking naka-itim at hayaan mo akong mahalin kita.

Oh diba! Ang haba noon at tagos na tagos sa puso.  Pero kahit minsan lang siya magsalita at kadalasan sobrang ikli pa, kapag naman magsasalita ito siguradong makahulugan.

At wait! Tama ba ang narinig ko...

"Para sa akin?"

"Yah.."

"Bakit para sa akin?"

Umiwas naman siya ng tingin at biglang namula ang mukha. Hihi. Ang cute talaga niya.

Marami na rin ang nagbago pagkatapos ng araw na iyon.. pagkatapos kong ibigay ang akin at nang mapagtanto ko na hindi talaga kami ni Daniel ang para sa isa't-isa. Lalong dumami ang taong galit sa akin.. na sobrang landi ko daw at si Liam naman ngayon  pero tuwing kasama ko na si Liam bigla nalang silang babait sa akin.. I feel safe kapag kasama ko siya.

Si Liam naman ngumi-ngiti na once a week, improvement na rin iyon dati kasi parang once a year lang. Nagpaalam na rin siya na manliligaw siya sa akin pero sabi ko naman hanggang kaibiigan muna dahil hindi pa ako handa. Pero alam ko hindi mahirap mahalin si Liam.

Aaminin ko sobrang mahirap magmove-on lalo pa't halos sa kanya ng umikot ang buong mundo ko, pero buti nalang at nandyan si Liam at tinutulungan niya ako.

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon