3.6. Daniel

3.5K 67 1
                                    

Chapter 3.6--Daniel

--------

"Kim sino ba si Daniel at akala ko bang tatlo lang kayong nakatira dito e kanino yang kwarto na iyan?"

Unti-unti naman nagbago ang mukha ni Kim, unti-unting nawala ang mga ngiti sa kanyang labi at napalitan ng expression na hindi mo mawari.

Napano siya? E tinatanong ko lang naman kung sino si Daniel.

"Keisha, Daniel is my eldest brother. Close na close kami nun kahit na lagi kaming nagbabangayan."

Oh I see. Siya pala yung bata dun sa picture frame. Maari kayang ang Daniel na kamukha ni Prince ay siya din kapatid ni Kim.

E masaya naman pala ang kwento niya e, pero bakit ang mukha niya? parang namatayan?

"Where is he?" tanong ko sa kanya.

"HE'S GONE." matipid niyang sabi.

Kaya pala ayaw na ayaw niyang ipagalaw ang picture frame na iyon kasama ang kuya niya.

Nakayuko lang siya at parang gusto ng pumatak ng kanyang mga luha.

"Kailan pa?"

"About three to four months ago."

Bago pa lang pala ang pagkamatay niya, gusto ko sanang usisain kung paano nawala ang kuya niya ngunit hindi ko din ito nasabi dahil baka lalo lang malungkot si Kim.

Kaya iniba ko nalang ang usapan. 

"Tama na nga yang drama at mag-swimming na tayo." Ngumiti lang si Kim sa akin at hinila na niya ako papunta sa kwarto niya para kunin ang aking cellphone.

Dumiretso na kami sa rooftop at nadatnan sila Thea at Mhay na masayang nagsswimming.

Tinawagan ko na si Mama.

*Dialing Mama*

*Sorry the number you have dialed is chu chu chu chu*

Hala bakit hindi sinasagot ni Mama? Baka nakikipagdate na naman iyon! Lagot talaga si Mama sa akin pagkauwi ko.

Sinubukan ko ulit tumawag.

*Dialing Mama*

[O hello who's this?] bati sa akin ng bata na sumagot sa tawag ko kay Mama. Hala baka kapatid ko na iyan sa bagong dinedate ni Mama.

"It's Keisha. And who are you?"

mataray kong sabi sa kabilang linya.

[Taray ate Keisha english speaking! Ako lang ito ang napakaganda niyong pamangkin na si Cheska.]

Si Cheska lang pala akala ko naman kung sino na.

"Ofcourse lahi tayo ng magaganda. O asan ang lola mo nakikipagdate na naman ba?"

[OPO ATE KEISHA NAKIKIPAGDATE NA NAMAN SI LOLA KAREN!]

sigaw naman ni Cheska na akmang narinig ni Mama.

[Ikaw talagang bata ka anong pinagsasabi mong nakikipagdate ako. Busy lang akong nagluluto doon at pinakialaman mo na kaagad yung cellphone ko.]

Dinig ko na pinapagalitan ni Mama si Cheska.

[Hello Ma]

[Napatawag ka anak?]

"Kasi may load ako Ma." biro ko kay Mama.

[Hahaha. Bakit ka nga napatawag?]

"Magpapaalam po ako na late na po ako makakauwi, nagsswimming kasi kami sa bahay ng classmate ko."

[Okay dear. Ano gagawa ka na ba ng apo namen?]

"Ma!! Puro po kami babae dito." galit kong sabi kay Mama. Kung ano-ano kasi iniisip.

[Hahahaha. Binibiro lang kita anak.O sige enjoy!!]

*call ended*

Hayyy. Pasalamat nalang ako at may baliw akong pamilya. Buti nalang at wala yung baliw sa lahat ng baliw, yung asawa ni mama na anak kami ni Kuya. I don't even manage to call her father or Papa because he don't deserve us.

"Keisha swimming kana dito at papagabi na" sigaw sa akin ni Thea.

Kaya agad-agad naman akong tumalon papunta sa swimming pool.

Ang sarap ng tubig fresh na fresh kagaya ko. Alam ninyo kung bakit? Kasi maganda ako!

"Tsss. A virus floating on the pool." pagpaparinig sa akin ni Mhay.

"Tss. Insucured NERD" pabalang kung sabi kay Mhay.

"O awat na iyan. Let's enjoy this party." -Kim.

At na-enjoy ko naman talaga ang swimming party except na lang sa pag-iimbyerna sa akin ng siomai na nerd na iyon. Well hayaan nalang natin siya dahil di hamak naman na mas maganda ako sa kanya.

After namin mag-swimming ay isa-isa na kaming umahon at naligo.

Pagkatapos non ay sabay-sabay na kaming kumain ng dinner.

And as usual dahil nasa bahay kami ng pamilyang Sy ngayon, fiesta na naman ang nakahapag sa mesa.

Pero ngayon wala ng lechon o kung ano pa. Puro light meals nalang na pang-mayaman ang nakahain. Pero letse lahat yata ng paborito ko nakahapag.

Kapag talaga nagka-chance papa-ampon ako sa mga Sy.

Pagkatapos naming kumain ay isa-isa na kaming inihatid ni Kim.

Inunang inihatid si Thea na nakatira sa parehong subdivision kung saan ang bahay nila Kim

Sinunod naman si Siomai na Nerd, well medyo maganda ang labas ng bahay nila pero mas maganda parin ako sa kanya kaya kawawa parin siya.

At syempre inihuli ang Diyosa ng Kagandahan na si Keisha Montenegro.

Inihatid ako ni Kim hanggang sa gate, nang papabalik na siya papunta sa kotse ay may bigla siyang ibinulong.

"Hindi lahat ay nakikita ng mata, hindi lahat nadidinig ng tenga, hindi lahat naamoy ng ilong, hindi lahat nadadama ng kamay at hindi lahat naiisip ng utak. Pero isa lang ang sigurado, lahat nadadama ng puso.

Goodbye!"

Ano daw sabi ni Kim? Ang gulo hindi ko maintindihan.

Tatanungin ko sana siya kaso nakasakay na siya sa kanyang kotse at mabilis itong pinaandar.

Sabi ko sa inyo si Kim Sy talaga ang nag-iisang Mysterious Queen.

-----------

Note: Maikli lang po talaga ang update na ito, continuation lang po siya ng Chapter xvi (The Mysterious Queen)

[A/N] Ano kaya ang Condition#3? Tuluyan na kayang maging official member si Keisha ng Royal Queen Bees at makamit ang pinakamimithing paghihiganti. ABANGAN!!!!

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon