9.9--Prince and Princess

2.1K 56 0
                                    


Promote!!!!!!!

Pa-add: https://www.facebook.com/fgmr05

Pa-follow: @iamfrancisrodil

Sa totoo lamg hindi ko alam kung paano itatype itong scene na ito. So pagpasensyahan niyo nalang kung ano man ang kalabasan.

-----------

Chapter 9.8-- Prince and Princess

-----------

**Prince's POV

Ilang araw na ang nakalipas magmula ng habulin kami ng mga hindi pa nakikilalang mga lalaki buti na nga lang at tuluyan kaming nakatakas mula sa kanila dahil hindi ko na kakayanin pa kung isa na naman sa mahal ko ang mawala sa parehong dahilan at paraan.

At malakas ang kutob ko na sila ay inutusan ng taong nagbigay ng buhay sa akin at dahilan kung bakit gumugulo ang buhay ko. Ironic, isn't it?

*flashback*

Kakagising ko pa lang mula sa ilang araw na pagkakacomatose nang makatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang hindi rehistradong numero, buntis daw si Keisha at ayaw panagutan ng nakabuntis sa kanya.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ay muli akong nakatanggap ng isa pang mensahe mula sa parehong numero.

"Find Your One True Love... 12345 Angeles, Pampanga- 3:00 pm

-UNO"

Kaya wala na akong sinayang pang oras at agad na tinunggo ang nasabing address. Pagkadating ko doon, ay halos manlumo ako nang mapagtanto ko na nasa "Manyaman Keni Restau" ako. Isa lamang ito sa napakadaming negosyo ng pamilya namin at hindi imposible na may makakakilala sa akin.

Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag at tuluyan akong pumasok sa restaurant pagkatapos kong maglagay ng salamin at cap para hindi nila ako agad makilala, tinakpan ko din ang aking mukha sa pamamagitan ng menu list.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig kong bumukas ang pintuan ng restaurant kasunod nitong pumasok si Keisha ngunit nang mapansin niya ako na nakaupo sa hindi kalayuan ay agad itong pumihit patalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Wala akong sinayang na oras at agad ko siyang hinabol.

Nasa labas na kami ng restaurant nang mahawakan ko siya sa balikat kaya agad siyang napahinto ngunit patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas kahit na mahigpit ko siyang yinakap.

Kaya wala akong ibang magawa para mapatahan siya kung hindi ang halikan siya.

Habang nasa state of shock pa siya ay agad kong kinuha ang singsing sa aking bulsa at lumuhod.

"Keisha..Will you be my one true love today, tomorrow and for the rest of my life?"

Halos lahat ng atensyon ay nasa amin na dahil sa aking ginawa, may ilan pa ngang lumabas mula sa restaurant para lang makiusyoso kung ano nga ba ang nangyayari.

Bago pa siya makasagot ay agad kong napansin ang isang lalaki na matalim ang titig sa akin. At hindi ako magkamali dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang una kong minahal at dahil siya ang ama ko.

'Sht.. He's back to ruin my life again.' nasabi ko nalang sa sarili ko.

Kaya agad kong hinila si Keisha papasok sa kotse at mabilis na dinrive ito palayo sa restaurant na iyon.

*end of flashback*

At magmula ng araw na iyon, ay medyo nakakaramdam na ako na may sumusunod sa akin. Ngunit hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka maling akala lang ako.

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon