1.2. Pain

8.7K 170 8
                                    

Chapter 1.2--Pain

---------

Sana nasaktan nalang ako physically kahit masakit alam kong nandyan ang mga taong nagmamahal sa akin, nag-aalala kung okay na ba ako. 

Pero yung biyakin ang puso mo ng taong pinakamamahal mo, sobrang sakit na sa puso alam mong hindi na rin maibabalik yung nasimulan ninyo.

Buong gabi iyak lang ako ng iyak. Pinagsisisihan lahat ng bagay na ginawa ko, sana napigilan kong ma-fall ako sa bestfriend ko.

Sana lang talaga para wala na yung sakit at wala na rin yung barrier sa pagitan namin na nabuo dahil sa pag-amin ko.

Hindi talaga ako makatulog. Luha, sakit at paghihinayang. Pinilit kong makatulog, akala ko kasi pagkagising ko wala na yung sakit, pero bakit ganito ang sakit-sakit padin?

Idagdag mo pa yung ala-ala na pilit ipinapaalala sayo kung ano yung sinayang ko. Yung mga bagay na hinding-hindi na maibabalik.

And the space that he usually filled was left empty.

Nang biglang punasok si Mama sa aking kwarto.

"Keisha kain kana ng breakfast anak"

Bakit ganito? Noon paboritong paborito ko ang kumain pero bakit ngayon parang wala akong gana?

Ganito ba ang epekto ng total heartbreak? It cultivates another personality within you? A person full of sorrow, grief and regrets?

Tila ba wala na akong ganang mabuhay dahil sa nawala na ng tuluyan yung buhay ko.

Pati pagpasok sa eskwelahan araw-araw ko nalang ipinagpapaliban.

Yung sobrang sakit lang talaga tapos hindi mo alam kung paano mo mailalabas lahat. Yung unti-unti mo nalang kinikimkim lahat at hinihintay nalang na sumabog nalang ito.

Hanggang sa.....

*tok..tok*

"Pasok" matamlay kong sabi.

"Hellooooooooo Ate Keiiiiisha. Kumusta ka na po??" sobrang energetic na sabi ni Cheska.

Si Cheska nga pala yung 7-year old kong pamangkin. Siya ang anak ni kuya Ethan na nagtatrabaho sa Estados Unidos bilang nurse kasama ang kanyang asawa.

"Baket? Anong kailangan mo?" matamlay ko paring tanong.

"Ang sad sad mo naman po. Dinalhan ko paman din kayo ng tinapay at juice."

"Sorry may problema kasi si ate"

Umupo ng maayos si Keisha sa tabi ko at hinaplos-haplos niya ako sa likod.

"Ate kung kailangan niyo po ng makakausap nandito lang ako."

"Bakit kasi tuwing nagmamahal ako lagi nalang akong nasasaktan? May mali ba sa akin? Pangit ba ako o sa ugali ko? Bakit Cheska bakit?" unti-unti narin bumabagsak ang mga luha ko

"Ate ganyan po talaga ang mga boys. Yung crush ko nga po nag-away po kame, kasi pinahiram niya yung seatmate niya ng lapis."

Tumayo siya at pinagsalin ako ng juice.

"Ate wala pong pangit sa lahi natin, kaya huwag ka ng sad."

"Ate inom po muna kayo"

Ininom ko naman.

"Pero bakit nga ganun? Mali bang umasa ako na minsan mamahalin niya din ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya?"

sabay inom ng juice.

"Alam ko po yung sakit na nararamdaman ninyo. Yung akala ko po bibigyan niya ako ng candy tapos ibinigay niya sa iba. Umiyak nga po ako nun eh" sinabayan niya na rin ako sa pag-inom ng juice

Patuloy sa pagbagsak ang luha ko na nasabayan pa ng pinipigil kong tawa dahil sa mga pinoproblema ng pamangkin ko.

Alam kong bata lang siya at hindi ko aakalain na sa kanya ko pa maibabahagi lahat ng sakit na namamayani sa aking dibdib.

"Mahal ko siya Cheska mahal na mahal. Pero ang pagmamahal palang iyon ang sisira ng lahat."

"Alam niyo po ate walang mali sa pagmamahal. Ang mali ay yung maghangad ka na mamahalin kadin niya kagaya ng ginawa mo. At kung hindi ka man niya kayang mahalin pabalik hindi ninyo na po kawalan iyon, kawalan na niya po iyon. Kay ganda po kaya ng lahi natin"

Pagkasabi niya non. Uminom siya ng juice at animoy lasing na lasing na biglang natumba.

Buti pa ang mga bata walang kaproble-problema. Yung tipong simpleng candy lang iniiyakan. No pressure No tears No pain and No HEARTBREAKS.

--------

Comment at vote lang po. Thank You sa pagbabasa kung meron man. :))

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon