13.8--His Condition

2.5K 42 1
                                    

2nd Update.. basahin muna yung 13.7 baka makaligtaan ninyo. :)

Dedicated to: Kathkathhon

SPG!!! SPG!! SPG!!! MAY SPG SCENE PO ITO! INUULIT KO MAY SPG SCENE ITO! KAYA KUNG HINDI PA KAYO HANDA, MARAPAT LANG NA LAKTAWAN ANG CHAPTER NA ITO. IYON LAMANG PO!

----------------

13.8--His Condition

----------------

"Uhmmmm. You too are both good." 

Muli akong lumingon sa silid na iyon at doon ko nakumpirma na si Daniel nga ang lalaking iyon na enjoy na enjoy sa pakikipaghalikan sa ibang babae.. no, they're not just kissing, they're making out.

Nanginginig man ang aking mga tuhod, pinilit kong umalis doon. Hindi ko na kayang panuorin ang susunod pa nilang gagawin.

Pumunta ako sa isang tagong lugar sa school at doon ako umiyak ng umiyak.

Bigla namang may lumapit sa akin, nakasuot siya ng itim na pantalon, itim na t-shirt at itim na bandana na tumatakip hanggang sa ilalim ng kanyang mga mata.

Tumingin ako sa kanyang mga mata, ngunit wala akong emosyon na mabasa doon.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot sa akin ang isang panyo.

Nagdadalawang-isip man kinuha ko pa rin iyon. "Sino ka ba?" pagtatanong ko.

Ngunit imbes na sumagot naglakad na siya palayo sa akin. Hinabol ko siya ngunit masyado siyang mabilis kaya hindi ko siya nagawang abutan.

Gulong-gulo na ang utak ko kaya nagdesisyon nalang ako na umuwi nalang sa bahay.

Habang naglalakad pauwi muli kong naalala si Daniel. Madalas namin gawin ito dati, gusto daw kasi niyang mas makasama ako ng matagal. Nasaan na ba kasi yung dating Prince.. yung dating Daniel? Bakit linamon na siya ng galit niya.. Bakit kasi kailangan maging siya pa si Nathan?

Naputol ang aking pag-iisip nang makarinig ako nang malakas na busina ng sasakyan.

"Piiiiiiiiit Piiiiiiiiiit"

Puro puting liwanag na unti-unting lumalapit sa akin ang aking nakikita.. hanggang dito nalang siguro ako. Pagod na pagod na rin ako.

"Put*ngina niyo! Kung magpapakamatay kayo, huwag na kayong mandamay!" 

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.. humarurot na paalis ang sasakyan. Nakahiga ako ngayon sa kabilang dulo ng kalsada habang yakap-yakap ng lalaking naka-itim.

"Sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam?!"

Ngunit kagaya ng kanina imbes na sumagot siya naglakad lang ito palayo sa akin.

Sino ba kasi ang lalaking naka-itim na iyon?

Pagkarating ko sa bahay agad na bumungad sa akin si Mama.

"Anak ano bang nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo?" 

Ngunit imbes na sagutin ko siya, dumiretso nalang ako sa aking kwarto at piniling matulog.

Ngunit kahit anong gawin ko hindi talaga ako makatulog kaya kumuha ako ng dalawang piraso ng sleeping pills sa aking bag at mabilis itong ininom.

"Kriiiing! Kriing!" nagising nalang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa alarm clock.

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon