02: Gone

27.4K 479 12
                                    

Nakahiga kami ngayon ni Xandre sa kama niya habang yakap yakap ko ito sa bisig ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Kamukhang kamukha ko ito mula sa ilong na matangos na medyo maliit lang, sa maninipis at mapupulang labi, sa hugis pusong ulo nito, medyo kulot na buhok, maputing balat niya, sa makapal at mapilantik nitong eyelashes. Lahat nakuha niya sa akin. Maliban lang sa kanyang golden hair at asul na mga mata. Kung tititig ka sa kanyang mga mata parang kang nalulunod sa karagatan. Deep blue sea. Ganun ang pag ka asul nun. Sa tuwing tinitingnan ko ito lagi akong napapaisip.

Ganyan kaya ang mga mata ng lalaking yun?

Iwinaglit ko ito sa aking isipan at inalala ang sinabi ng bata kanina.

"Lagi ko po kayo na didream. You were crying nonthop. In a corner where you were chained. You were like a crybaby na kailangan ang mommy. Were you hurt that time po?" Tanong nito habang tinitingnan ako ng asul na mga mata nito. Well I think he is still indeed a child.

"Of course not. Those are just dreams. No need to worry about it." Nginitian ko na lang siya.

Mas hinigpitan niya ang kapit sa leeg ko at siniksik pa lalo ang sarili dun.

"I won't let anyone hurt you, mom." Bulong niya

I'm sorry, baby. I already got hurt. But I won't let that pain and memories rule over me again. Sana.

Niyakap ko na lang si Xandre ng mahigpit at swinitch off ang lampshade na malapit lang sa kama. Pag off ng lampshade, nabalutan ng dilim ang buong kwarto. Kahit may naaninag pa rin ako dahil sa mga stars at planets na light sa dingding at ceiling ng bata ay hindi ko pa rin maiwasan manginig. Pinilit ko pang itulog ang sarili pero sa tuwing ginagawa ko yon mas lalo akong natatakot. Ng medyo pinagpawisan na ako ng dahil sa kaba ay inalis ko ang mga brasong kong nakapulupot sa maliit na katawan ni Xandre at umupo upang buksan ang lampshade.

Malalim ang bawat paghinga ko ng nakita ko na ang liwanag. Natatakot ako. Niyakap ko ang mga tuhod ko at sumandig sa mesa. Nanginginig ang bawat galamay ko dahil sa alaalang pilit na bumalik.

No! Don't please? Stop that. No. Maawa ka. Stop. Huwaag!

Ang mga tinig na naririnig ko.

Please, st-stop.

No!!

Tinakpan ko ang tenga ko at paulit ulit na umiling. Ayoko sa mga boses na yan. Ayoko.

Please, maawa......ka.

Bakit bumabalik nanaman. Sa nakalipas na isang taon tumigil na'to. Bakit?

Please tig-tigilan mo......na pl-please.

"Aaaahmm."

Napadilat ako ng marinig na umungol si Xandre at umiba ng pwesto sa pagkakahiga.

Tiningnan ko ang kanyang likuran at napabuntong hininga ng malalim.

Calm down, Alexandriah. You're with the child. Just calm down and go to sleep. You need to.

Unti unti ng kumalma ang paghinga ko at humiga na rin pagkatapos. Tinitigan ko muna ang likuran ni Xandre bago ito niyakap at inusog ang katawan nito palapit sa akin. At sa pagkakataong ito sa pamamagitang ng lambot ng katawan at bango ng baby ko ay tuluyan na akong nakatulog.

He is all I have. Gusto ko akin lang siya. Akin lang si Xandre.

-----------------------------------------------------

"Mommy, wake up!"

May nararamdaman akong maliliit na kamay na nakahawak sa bewang ko at niyuyugyog ito upang gisingin ako.

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon