05. Familiar

18.9K 353 23
                                    

Alexandriah's POV

I was crying helplessly while looking for my son. God! Why am I so careless? Nalingat lang ako sandali nawala na agad. Ito na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ko ayaw sinasama ang bata. His father is just somewhere there. Natatakot ako. Paano kung kunin niya ang anak ko sa akin? Paano kung ilalayo niya ito sa akin? Hindi pwede. Ikababaliw ko.

Inayos ko na ang itsura ko at nagtanong sa mga guard. Marami na din sa mga ito ang tumutulong. I went everywhere. Pero.... wala talaga.

"I didn't theal it!" Napalingon agad ang ulo ko ng marinig ang boses.

Nakita ko si Xandre na hawak ng isang babae sa braso.

"Don't move you little thief! Idadala kita sa presinto!" Biglang nandilim ang mukha ko ng makitang sinasaktan at sinigawan nito ang anak ko. Tiningnan ko si Xandre, bagama't nasasaktan ito ay matigas pa rin ang anyo niya.

Dali dali akong lumapit sa mga ito at maingat na inagaw ang anak ko. Pinanlisikan ko ng mata ang babae. How dare this old hag hurt my son?! At ano raw presinto? Bakit niya dadalhin ang anak ko sa presinto?

Tiningnan ako ng babae. "At sino ka namang pakialamera ka ha?!" Sigaw nito ng itago ko sa likuran ko si Xandre.

"I am the mother of this child." Kalmado ngunit batid ang galit sa tono na sabi ko sa babaeng nasa harapan ko.

Aba! Kahit matanda siya, hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pananakit sa anak ko. Not my son.

"Ah! So ibig sabihin kasabwat ka ng batang yan? So where are your other companions?" Matapang nitong saad.

Batid kong pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Paano ba naman kasi ang classy nga manamit pero yung boses pang taong hindi naturuan ng maayos. God! How could this hag be so stupid?

"Mommy, I didn't theal (steal) her wallet po. I wath (was) going to give it back to her when thhhe (she) just grabbed my arm nalang." Tiningnan ko ang nagsusumamong tingin nito as if asking me to believe his every word.

And of course I do. Nginitian ko lamang siya bago binalik muli ang tingin sa babae.

"Look here grandma. My son is not a thief and you should know that just by looking at him. And don't be so stupid to accuse a 3 year old child stealing your fake Gucci wallet. Wala naman siguro laman yan."

Wala akong pakialam kung may pera siya o wala ba talaga. Hindi niya dapat pagdudahan ang maliit na bata.

I heard her gasp. Hindi ko alam kung dahil ba sa tinawag ko siyang grandma o dahil sa sinabi kong walang laman ang wallet niya. But nevertheless, I don't care. She accused my son for stealing her wallet. Okay lang sana kung ganon lang, pero sinaktan niya ang bata eh.

Bago pa man siya makasalita ay may biglang lalaking humahangos na dumating. Medyo natamaan pa nga ang braso ko dahil dumaan siya sa likuran ko.

"Tita, kanina ko pa kayo hinahanap. Where have you been?" Tanong niya sa matanda or whatever.

I eyed the guy from his nape down to the back of his shoes. At masasabi kong may dating ang lalaki kahit nakatalikod ito.

"A child stole my wallet. Dadalhin ko na sana siya sa presinto ng mahawakan ko ang bata ng bigla na lang pinagsisigawan ako ng babaeng yan." Sigaw nito at tinuro pa ako habang nakatitig sa akin ng masama.

Wait. Did I shout at her? Ang matandang ito. Kung wala lang ang bata baka inapakan ko na ang paa niya.

"Liar! I didn't theal your wallet and my mom didn't thout at you! You're a liar!" Sigaw ni Xandre at pumunta sa unahan ko.

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon