08: Together

6.7K 144 8
                                    

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Ang tindi kasi ng dating niya. From his brown boots, dark fitted pants, and black polo long sleeves na nakatupi hanggang sa braso niya. Darn those muscles!

Napapalunok na pinagpatuloy ko ang pagtaas ng tingin. Sexy neck, perfect jaw, hot stubble, pouting red lips, aristocratic nose, and light gray eyes with flecks of blue.

At dun ko nakita ang pagnguso nito sa kakapigil na ngumiti. Sheez! Did I just stare at him for the whole a whole 1 minute? Namumulang napaiwas ako ng tingin.

I swear this is the very first time na ginawa ko yun. Nakakahiya.

"Aaahmmm. Thanks." Ngumiti ako but I can still feel my cheeks burning.

Ngumiti ito ng malapad. "You're welcome."

Bakit feeling ko sobrang saya niya? At bakit feeling ko dahil sa akin yun?

Napangiwi ako sa naisip. Ang ambisosya ko naman. Syempre masaya siya dahil nakatulong siya sa kapwa niya. Pero hindi eh. Para kasing nagraradiate. Parang....sparks. His smile is shining.

"So? Magtitigan na lang ba tayo?" Ngumunguso siya para pigilan ang pagngiti. And I find it cute. Cute na manly pa rin tingnan.

"Oh! I'm sorry. Sige ah? Mauuna na ako." Paalam ko

Nakita ko ang pagpapanic sa mukha niya. Lalampasan ko na sana siya ng bigla niya ako pinigilan sa braso.

"Bakit?"

"Diba nawawala ang bag mo?" Takang tanong niya.

"Huh?"

Dali dali kong hinanap ang clutch bag na dala ko, but unfortunately ay wala dito.

"Saan yun?"

"So does that mean wala kang pera?" Tinaas baba niya ang kanyang dalawang kilay.

Napataas ang kilay ko. Bakit parang ang saya niya pa rin despite of my conditon?

"Hindi mo ba nakikita na nanakawan ako?" Galit kong ani.

Aba kung masaya siya na nanakawan ako, pwes ako hinde.

He grinned.

Nanlaki ang mata ko sa realisasyon.

"Ninakaw mo ang bag ko nuh? Kaya ka lumapit sa akin dahil kasamahan mo yung bumunggo sa akin. Stratehiya niyo yun."

"Huh?" Ngayon nawala na ng tuluyan ang ngiti niya and was replaced by confusion.

"Wag mo kong ma-huh huh dyan. Hindi porke't sobrang gwapo mo at nag uumapaw na ang sex appeal mo ay hindi ka na pwedeng magnakaw." Lumapit ako ng bahagya sa kanya at kinapkapan siya.

Ngumiti naman ito ng malapad and spread his arms wide.

"Go on cupcake. Touch me. I'm all yours." He said and chuckle.

Naibaba ko agad ang mga kamay ko sa sinabi niya at lumayo.

"Oh, bakit ka tumigil?" Natatawang tanong niya at napasimangot naman ako.

"Just give it back."

"I don't have it. I swear." Tinaas niya ang kanang kamay na parang bata na nagpra-promise.

Ako naman ngayon ang nagpipigil na ngumiti. What? Seeing a guy looks like this and acts as a child is quite amusing. Totally amusing, I mean.

Nakita niya siguro yun kaya napangiti ito bago binaba ang braso.

"You have money?" Tanong niya na nakataas ang isang kilay.

"How did you know that I don't have one and my purse was gone?"

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon