14: Family

4.6K 136 12
                                    

NAPANGITI ako ng maalala ang sinabi kanina ni Sir Andrew. He looks so lost. At ang corny niya din pala.

Nainiwala ba naman sa sparks? Nasa vocabulary na ata nila sa magkakaibigan yun eh. Hinawakan niya daw kasi ang babae tapos naramdaman niya ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan niya. Haha. Sinabi niya pa talagang kinilig daw siya. Lalo na nung tiningnan siya ng girl. Ayiiieh.

Smiling, I shook my head saka tumayo na pagkatapos kong inarrange ang pagkakahiga niya sa couch.

Nakangiting tiningnan ko siya muli bago lumabas na ng opisina niya.

It's his first time to fall inlove kaya parang bata siyang nagsumbong sa akin.

Napailing ako. Sana hindi niya maalala ang mga sinabi niya pagkagising. Nakuu, mahihiya yun, pramis.

Napatingin ako sa labas ng opisina. Ang dilim. Ramdam ko ang mabilis na pagnginig ko. Hindi sa lamig kundi sa takot. Naiinis ako na hindi ko maovercome ang takot na toh sa dilim. I hate it.

I fished my phone out of my bag. I dialed Marcus number. Pagkaraan lang ng ilang tunog ay sinagot na niya ang phone.

"Alexandriah Sophie Mendoza! What time is it?!" Sigaw niya sa phone.

I pouted. I don't like it when he's shouting.

"Wala ka bang relo dyan? Kailangan bang sumigaw pati sa pagtatanong ng oras Marcus De Vega?"

"Aaargh. I wanted to remind you the time Lex!"

"Pero...wala ka namang oras na sinabi ah."

"Mag-e-eight na. Matinong uwi ba toh ng babae?!" Gigil na sigaw niya sa kabilang linya.

Pinigilan ko ang tawa ko. Naiinis na naman kasi toh. Gustong gusto ko pa naman ang naiinis niyang mukha. Hindi nakakainggit tingnan.

"Hindi pa naman ako umuuwi ah?" I bit my lip.

Naiimagine ko na ang pagpikit niya ng madiin at ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "So, bakit ka tumawag?"

"Aaahm, can you pick me up? Gabi na kasi eh. Ang dilim na."

"Where are you? Still in the office?" I could hear some rustling sounds on the other side.

"Yep." I nodded kahit hindi niya nakikita.

"Okay, wait for me there. Don't move!"

"You want me to freeze here?" Biro ko.

"Alexandriah!"

Tumawa ako. "Oo na. Oo na. Seryoso mo ngayon."

"Wait for me at the lobby. Wag kung saan saan pumupunta."

"Haaii! (Yes)" Natatawang ani ko.

Ginagawa ba naman kasi akong bata.

"Seryoso Alex. Wag kang gumala dyan."

"Opo, kuya." I tease. Binaba ko na ang phone bago pa siya makasagot. He hates it when I call him Kuya. Hindi raw bagay para sa lalaking mapapangasawa ko ang tawagin na Kuya.

Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Marcus na sa lobby maghintay. Nanatili ako dito sa itaas. Hihintayin ko na lang na tawagan niya ako saka ako baba.

Pumunta ako saglit sa opisina ni Sir Andrew. Nagdurugo na naman ang kamay niya kaya pinalitan ko muli ang bandage. Inalis ko rin ang shoes niya at inalis ang pagkabutones ng tatlo sa itaas ng polo niya. Niluwagan ko ang necktie niya at inalis ang suit niya.

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon