21: Sorry

2.4K 72 18
                                    

They continued staring at each other while I'm still in the middle, both are holding my arms. Seriously?

Magtatagisan na lang ba sila ng tingin? Saka assumera na kung assumera pinagaagawan ba ako ng mga toh? But why? I don't think may gusto ang isa sa akin dito. Hindi ito movie. Walang naga-shoot ng drama dito.

I heaved a deep sigh.

I was about to remove my arms from their grasp pero hindi ko rin nagawa dahil bigla akong hinila ni Reivan palapit sa kanya. And I was so thankful kasi binitiwan ni Sir Andrew ang hawak sa kabilang braso ko. I'm sure it would hurt even more kapag nakakapit pa rin siya sa akin.

Napasubsob ako sa dibdib ni Reivan dahil sa ginawa nitong paghila.

Tumiim ang bagang ni Sir Andrew at lumipat ang tingin sa braso ko na ngayon ay mahigpit na hawak ni Reivan. May emosyon na din nakita sa mukha nito.

I felt an electrifying twitch of pain in my lips. Dinilaan ko ito pero nanlaki din ang mata ng malasahan ang dugo sa labi ko. Kinapa ko ito gamit ang kabilang kamay. Kulang na lang ay mahimatay ako nang makitang marami ang dugong dumikit sa daliri ko.

Mabilis namuo ang luha ko. I'm not afraid of blood but the idea na nanggagaling ito sa akin ay parang nagpush para sumikip ang dibdib ko. I sniff and tried to get off from Reivan's grasp. Pinakawalan niya din ito na ipinagpasalamat ko sa loob loob.

I didn't want to see him kaya hindi ko siya nilingon para tingnan ang reaksyon niya sa ginawa sa akin. Naiinis ako sa ginawa niya. Kung ano mang away nila sana naman ay hindi na niya ako idadamay.

Mabilis kong kinuha ang wet wipes sa bag ko. Pinahid ko ang labi pero napatigil din ng maramdaman ang hapdi. Nagunahan ang luha ko sa pagbagsak.

Nakakainis. Kulang na lang ay itapon ko ang wipes sa sobrang inis.

Nakita kong may lumapit sa akin at nagabot ng panyo. And when I looked up I saw Sir Andrew. Siguro pagnabungaran ko si Reivan ang nagabot ay naisampal ko na sa kanya ang wipes sa sobrang asar.

Inabot ko ang panyo at pinampahid ko ito sa luha pagkatapos ay ang sugat sa labi. Hindi masyadong mahapdi tulad kanina sa wipes.

Naiinis talaga ako. "I want to go home." Malumanay na sabi ko.

"I'll drive you there."

Mabilis kong nilingon ang nagsalita at sinamaan ng tingin. Nakita ko siyang napalunok at parang malungkot na parang takot na takot.

"No! Ayoko sayo." That sounds so immature, I know. Pero naiinis talaga ako sa kanya.

"Let's go Alex. Ako na lang ang maghahatid sayo." Ani ni Sir Andrew. Naramdaman ata ang namumuong tensyon sa pagitan namin ng pinsan niya.

Tumango ako. Nanatili pa rin ang masamang tingin kay Reivan. Tapos ay inirapan ko siya saka sumunod kay Sir Andrew.

Pero naptigil din nang may humila ulit sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bitaw." Madiin kong saad. I swear if he won't let go ay may masasabi akong pagsisihan ko. And I don't want that. Kaya huminga na lang ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Please?" He almost croaked. Para na itong naiiyak na ewan. Yumuko siya.

Parang bigla ay nabawasan ang inis ko sa pandadamay niya sa akin kanina. I sigh and look at Sir Andrew. Tumango lang ito na parang nagets na ang gusto kong ipahiwatig.

With a sigh, I walked closer to Reivan. Walang emosyon ko siyang tiningnan ng mag-angat siya ng tingin. Kitang kita ko ang pamamasa ng mata niya. I saw him bit his lips and took my hand and he stared at them.

Hinila ko ang kamay palayo. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"I'm sorry." He sincerely said. Malungkot ang kanyang tono at parang may pinipigilan.

Tumango lang ako.

He took my hand again at marahan akong hinila patungong kotse niya.

He opened the car's door for me at inalalayan pa akong pumasok. Takot na masaktan ako muli sa kanyang pangangalaga.

Hindi ko na nakita si Sir ng madaanan namin ang pwestong pinagiwanan namin sa kanya. Umalis na ata.

-----------------------

"Sa office na lang ako." Sabi ko kay Reivan ng tumigil ang kotse dahil sa traffic.

"I thought you want to go home?" Mahina niyang sabi. May pagiingat sa boses nito na hindi ko alam ang dahilan. Siguro iniisip niya ang tamang sabihin na hindi ko ikakagalit. O di kaya nahihiya pa ito sa inasal kanina. I just shrugged the thought away.

Ewan ko. Hindi ko alam. I don't care.

"Kanina yun. Saka may mga naiwan pa akong trabaho and it's not yet time for me to go home."

Humigpit ang kapit niya sa manibela. Kitang kita ko yun dahil namuti ang mga knuckles niya.

"Okay."

Umusad na ang traffic kaya nagsimula na rin gumalaw ang kotseng kinalalagyan namin. Pero imbes na dumiretso kami sa office ay ibang daan ang tinahak niya.

Lumingon ako kay Reivan na nakaanagat ang isang kilay. "I told you sa----"

"I want you to eat first. Alam kong nagugutom ka."

Agad kong naramdaman ang paghilab ng tiyan ko sa sinabi niya. Ngayon ko na lang naalala ang pagkagutom mula kanina.

Tumango na lang ako at hindi na sumagot. Ayaw ko naman ipagpilitan sa office ang punta kasi gutom na talaga ako.

Tinigil niya ang kotse sa harapan ng restaurant. Akala ko nga sa McDo kami kakain kasi ito ang nasa unahan ng restaurant na tinigilan namin.

Parang nag-crave ako bigla sa McSpicy ng MacDonald. Bago pa man matanggal ni Reivan ang kanyang seatbelt ay hinila ko na ang sleeve niya dahilan para mapalingon siya sa akin. Tinuro ko ang fastfood.

Sumimangot siya ng malingunan ito. Mukhang hindi niya ata nagustuhan ang ideyang duun kakain.

"Masyadong maraming cholesterol ang mga pagkain dyan." Saad niyang nakasalubong ang kilay.

"Dyan ko gustong kumain." I said with finality.

"Pero..."

"Okay lang naman pag magisa akong pupunta dun. Dito ka na lang."

Hindi ko sinasadyang maipakita ang inis na akala ko'y nawala na kanina.
Bumuntong hininga ito saka nag U turn.

"Hey okay lang talaga na mag-isa ako dyan. Baka hindi ka sanay sa mga foods ng McDo."

Lumingon siya sa akin ng tumigil ang kotse at ngumiti.

"Hindi. Okay lang. Kung anong gusto mo, susubukan kong gustuhin." Aniya saka bumaba ng car at umikot para pagbuksan ako.

I smiled. That sound so selfless. Pero inis pa rin ako kaya pinigilan ko ang pagngiti.

--------------------------


>

Next time ko na i-edit. Happy New Year ppl! Mag-isip na ng panibagong new year's resolution na hindi na naman matutupad pero hinahangad na sana ay makamit. Haha. God bless every one. May we all have a blessed 2017.

_PS46

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon