Chapter 30: My Sleeping Beauty

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam na lumuluha na pala akong muli. Ilang araw na rin akong ganito, iiyak at pagkatapos ay kakausapin siya kahit na hindi naman niya ako naririnig. Sa sobrang takot na baka hindi na siya magising, palagi ko siyang kinakausap, pinapaalala ang mga bagay noong magkasama kaming dalawa upang magkaroon siya ng rason para lumaban.




Sobra-sobra akong nasasaktan na makita siyang ganito. Parang pinupunit 'yung puso ko. Minsan hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko, bakit hindi nalang ako? Bakit palaging ibang tao. Noong una si Chesca, bakit kailangan mangyari rin ito kay Rae? Dahil ba gustong iparamdam sakin ni Zion kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay? Sobra na....kaya pinapangako kong magbabayad siya.




Palagi rin akong tumatawag sa mga tao ni daddy, nanghihingi ng update sa pag hahanap nila kay Zion. Gusto kong pagbayarin siya sa lalong madaling panahon dahil hindi ako makapapayag na malaya lamang siyang pagala-gala, habang ang aking girlfriend ay walang malay na nakahiga ngayon dito sa hospital na ito.




"Here, eat this. Dahil ilang araw ka ng hindi kumakain." Wika ni Lila atsaka inilapag sa aking harapan ang isang burger.



Nandito siya ngayon dahil noong malaman niya ang nangyari, agad na lumipad sila ni Sarah pabalik dito sa Pilipinas dala ng sobrang pag-aalala.




Hindi ko siya pinansin. Mabilis na pinunasan ko ang naiiwang luha sa aking pisngi. Tulog na tulog parin si Sarah sa isang pahabang sofa. Kasama ko sila sa pagbabantay kay Rae sa gabi, sa umaga naman ay sina Breeze at Catherine, pa minsan-minsan naman dumadalaw si Aerin. Si Billy? Kasama niya sina daddy ngayon at abala sa paghahanap kay Zion.



What about Sommer? Tanong ng aking isipin.




Yeah, right. Sommer is across this room and she is sleeping now. Sugatan parin ito at hindi parin niya halos magawang igalaw ang isa sa kanyang mga braso. But unlike Rae, she is conscious and I can talk to her.




Paminsan-minsan sa isang araw pinupuntahan ko si Sommer, kinukumusta ang kanyang kalagayan.  Habang si Lila naman ay palipat-lipat ang silid na kanyang pinupuntahan dahil siya rin mismo ang nag-aalalay rito kasama ang kanyang asawa.



Bukas pa kasi ang dating ng kanyang mga magulang mula sa Palawan.




I also can't afford to lose her. She looks like my sister, no, SHE IS MY SISTER. Kaya hindi ko talaga alam kung papaano pa hahatiin ang aking katawan sa kanilang dalawa ni Rae.



"Please, Adriana. Kumain kana kung ayaw mong hawakan ko iyang sugat mo." Pagbabanta nito sa akin. Mayroon din kasi akong sugat sa aking tiyan at mayroong benda ang aking ulo dahil sa may kalaliman ang sugat dito.



At kagabi naman, may hindi inaasahan akong nagawa dahil sa sobrang kalungkutan at streas na nararamdaman.



Flashback:



Nasa loob ako ng banyo noon dahil kinailangan kong mag yosi. Ganoon kasi ako kapag stress, dinadaan sa yosi. At feeling ko, doon lamang ako nakakapag isip ng mas matuwid kapag mayroong amoy at usok nito.




Hindi ko alam kung ilang minuto na ako sa loob, basta ko na lamang narinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Lila sa pintuan dahil nag-aalala na ito.




Hindi ko iyon binuksan, sa halip ay nagmatigas parin ako at nanatili sa loob hanggang sa, si Billy na mismo ang nagbukas noon dahil sa kanyang malakas na pagsipa.




"Oh my god! What have you done?!" Nanlalaki ang mga mata ni Lila habang naka tingin sa aking braso. Ganoon din si Billy habang mayroong gulat na reaksyon sa kanyang mukha.



Noon ko lamang din napansin ang ginawa ko sa aking sarili. Panay sugat at paso na ng sigarilyo ang aking braso at panay ang pag durugo. That's exactly what I did noong mga panahon na nahihirapan akong tanggapin ang pagkawala ni Chesca. I never thought I would be able to do that again.



End of flashback:




Hindi ko mapigilan ang mapa ngisi sa kanyang sinabi bago mapailing.



"Oh, I'm scared---ah fck! What the hell?!" At ginawa nga nito ang kanyang sinabi. Mabilis na nahawakan nito ang aking braso na puno rin ng benda dahilan upang ako ay masaktan.




"See? I told you!" Inis na bigkas nito. "Baka nakakalimutan mong pasyente ka rin dito." Dagdag pa niya. "Kaya magpaalaga ka naman kahit na ayaw mo."




"Ang sabi ko, ayokong kumain. Wala akong gana at hindi ko kayang lumunok ng pagkain. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan? A-Y-O-K-O!" Dire-diretso na sabi ko rin sa kanya at pagmamatigas na rin.



Hindi naman nito mapigilan ang mapa tirik ng kanyang mga mata dahil sa inis.



"Fine, bahala ka sa buhay mo!" Pagmamaktol nito.




"Eh kung sakalin ko nalang kaya 'yang si Rae para naman matauhan ka?! Sa tingin mo ba ikatutuwa niya 'yang ginagawa mo kapag nalaman niya? Huh?!" Dagdag pa niya. "Hindi pa nga nagkakamalay si Rae, namatay ka na dahil sa kagutuman at kawalan ng tulog."




Mabilis naman na tinignan ko ito ng pamatay na tingin. Ano ba itong si Lila? Buntis na ba 'to siya o ano? Parang nanay kung manermon eh. Hays!


Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko bago tuluyang kinuha ang burger na nasa aking harapan at mabilis na binuksan iyon atsaka sinimulang kainin.



"Happy?" Sarkastikong wika ko rito.



"YES!" Bigay diin naman nito sa kanyang sinabi habang naka taas ang kilay.



------




Noong hating gabi na, tuluyan ng nakatulog si Lila sa sofa kung saan natutulog si Sarah kanina. Lumipat kasi ito kay Sommer sa kabilang kuwarto upang may kasama.



Palihim naman na nagpapasalamat ako atsaka napahinga ng maluwag dahil sa wakas ay tumahimik na ang aking paligid.



Marahan na muling hinawakan ko ang kamay ni Rae atsaka hinaplos ang kanyang buhok.




"H-Hi." Medyo na piyok pa na bagbati ko rito. "Here I am again, talking to you asleep." Dagdag ko pa. "Alam mo bang...ang ganda-ganda mo parin?" Sinasabi ko iyon habang naka ngiti ng malungkot.



"Even though there is a hose in your mouth now, and many things are pierced in your body, you're still beautiful, Rae." Agad na nangilid ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Hinalikan ko ang likod ng palad nito.




"I miss you so much...Gumising ka lang, masaya-masayang na ako. I love you...I love you so much! And I'm sorry, hindi ka na sana humantong sa ganitong sitwasyon."



Lalo akong nasasaktan kapag naiisip na nangyari ang bagay na ito dahil sa akin. Dahil sa nakaraan ko na paulit-ulit na hinahabol ako at pati ang babaeng minamahal ko eh nadadamay nito. Nagpatuloy lamang ako sa pagkakausap kay Rae, hanggang sa may biglang pumasok sa pintuan.



Agad na natigilan ako at mabilis na napapunas ng aking luha noong maaninag ang mukha ni Billy.



"Well, I hope you have good news." Wika ko bago napaharap ng maayos sa kanya.



"Yes, of course." Seryosong sabi nito sa akin. "We have found him." Dagdag pa niya.



"You have found him." Napatayo ako habang napapatango ng maraming beses. "Okay. Take me to him tomorrow."






A/N: Sorry late update guys, nalibang mag ML si Author hahahaha.

HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now