Chapter 39 : Serious

1.7K 62 12
                                    

Chapter 39 : Serious

Kinabukasan maaga akong gumising para magjogging. 4am palang tumatakbo na ako sa compound ng buong Resort. Honestly, hindi maganda ang tulog ko kagabi dahil sa napanood kong replay ng huling Campus Clash Inter High. Kung may kakayahan lang akong ibalik ang oras, gusto kong samahan ang dating team ko sa larong iyon matalo man o manalo... but I know that's inpossible.

Tulog pa sina Tamina nung lumabas ako kanina sa room namin sa Mahogany Villa. Nakadalawang ikot narin ako sa buong resort. I must say na sobrang lawak nga ng lugar na ito. Mas ginanahan akong mag-jogging dahil magagandang spot ang nadadaanan ko.

May mangilan-ngilan akong nakakasalubong na staff ng resort na bumabati sakin. Mga housekeeper, meron din naglilinis ng paligid at may ilan din mga nage-exercise na guest na halos mga foreigner.

Napaka peaceful ng buong resort dahil sa tanawing makikita mo dito. There's a lot of perfect spot na pwedeng pagpicturan at hindi ko pinalampas ang mga iyon. Hihinto ako saglit and I took some pictures, then jogging ulit.

Patatlong ikot ko na at mapapadaan na ulit ako sa tapat ng Mahogany Villa kung nasaan ang mga rooms namin. 5:30am. May ilan sa mga players akong nakitang gising na at nasa labas habang nagco-coffee. Sa tapat kasi ng bawat rooms ay may round tables na made of glass, bawat table ay may four chairs.

Lalampas na ako ng may sumabay sakin pagja-jogging, walang iba kundi si Tamina.

"Goodmorning, ang aga mo ah."

"Yeah always."

"Kanina ka pa??"

"Around 4am."

"Sana ginising mo ko para sabay tayo magjogging."

"Hmm. Next time."

Natawa kami pareho. Nag-uusap kami habang tumatakbo. I'm wearing black leggins, black sports bra and red rubber shoes. While Tamina is wearing black leggins din, neon croptop and white rubber shoes naman.

Nang makaikot ay tahimik na kami sa pagtakbo at malapit na ulit sa Mahogany Villa... ng magsalita sya.

"About last night..." pauna nya kaya bumagal ang takbo at ganun din sya.

"What about it?"

"Gusto kitang kausapin dahil sa pinanood natin. I'm just worried about you and ask you if you're okay---"

"I'm fine, captain." sagot ko agad, natahimik muna sya at nang makarating kami sa tapat ng Mahogany Villas ay huminto na kami. Damn it I'm tired. Puno na ako ng pawis at nauuhaw narin ako.

Hinarap naman ako ni Tamina at seryoso ang mukhang tiningnan ako. Captain mode na sya.

"Don't lie to me." now she's being serious.

"I'm not." I answered. Matamang nakatingin din ako sa kanya at hindi naman nabago ang seryosong mukha nya.

"You can tell what happened that day, Gwen."

"I'm okay, you don't need to worry." mabilis kong sagot. Ayokong mag-alala sya sakin lalo na at matagal ng tapos iyon. "Besides, nangyari na yon at tapos na, Captain."

"Gwen... I'm not asking you as your captain. I'm asking as your friend. I'm worried because you're not okay."

There.

"And you're right matagal na yon at tapos na, pero naaapektuhan ka parin sa nangyari. Nararamdaman ko at nakikita ko yun sayo. Kung kailangan mo ng kausap... I'm here. I'm all ears and ready to hear your reasons."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Paano ko ba sisimulan?? Sasabihin ko ba kay Tamina?? Am I ready to tell her what happened that day?? Lahat nang nangyari bumabalik na sa isip ko.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon