Chapter 14 : Last Slot

1.9K 70 4
                                    

Chapter 14 : Last Slot

Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko at lumalim ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit... pero yung pakiramdam, yung biglang kinabahan.

His eyes make me at ease.

How can he fucking do that to me!?

Nakahinga lang ako ng maayos ulit ng bumaling ang mga tingin nya sa katabi kong si Daniel at tinawag nya iyon.

"Alam mo... may two sides si Captain." ani Daniel saka tumayo at humarap sakin.

Ako naman ay napatingin sa kanya dahil sa sinabi nyang iyon.

Anong ibig nyang sabihin??

"The 'normal side' na makulit at gugustuhin mo talagang makipagkaibigan sa kanya.

.

.

.

At 'evil side' na hindi mo gugustuhing makita sa kanya dahil nakakatakot, lalo na pag umapak na sya sa loob ng court para maglaro, dun lumalabas." sabi ni Daniel at saka ngumiti.

'Evil side??'

"Punta muna ako sa kanila, ayus ka lang ba dito??"

"Oo naman." sagot ko at nginitian sya pabalik.

"Sige dun muna ako ha." sya at tumakbo na palapit kina Jigger at Tamina.

'What's with the evil side of him?'

Huminga ako ng malalim at tumalim ang tingin. Naalala ko yung tingin ni Jigger sakin kani-kanina lang.

Sa nakikita ko naman ngayon kay Jigger, walang mababakas na evil side akong nakikita sa kanya. Maybe nakatago lang yun sa loob nya. Pero sabi ni Daniel, lumalabas daw yun once na nasa loob na ito ng court.

Damn, I'm curious.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang try-out nila. Hindi naman na ako magugulat sa galaw ni Hanna dahil na-practice na nya ang gagawin nya.

Ang mga lalaking players ay mga nakaupo at nanonood. Maayos ang receiving at passing ni Hanna. Pati narin sa digging. Marunong na din syang ma-spike pero hindi pa naman kalakasan.

Pero ang lamang ni Hanna sa lahat... ay bilis.

Nangingibabaw ang bilis nya.
At nakakamangha yun tuwing mahahabol nya ang bola at masa-save.

Si Tamina ang nagi-spike ng bola.
At nang mapagod sya, si Daniel naman ang nagi-spike. Si Jigger ang may hawak ng papel at nanonood ng galaw ng mga try-outers.

Maraming magaling ngayon at talagang nag-improved din katulad ni Hanna. Sumandal ako sa kinauupuan ko habang nanonood.

Naalala ko lang yung time ko sa Sutoku High. Ako ang nagpapatry-out at pumipili ng mga bagong players. Malaki ang tiwala sakin ng Coach at alam nyang magaling akong pumili ng magagaling na players.

Grade 7 naging Captain na agad ako ng larong volleyball kahit may mas matatanda pa saking player noon from high level. Pero kahit bata pa ako nun, lahat sila napapasunod ko in just my words, my command.

At sa di inaasahan bigla nalang nagsigawan sa gulat ang lahat ng players sa loob ng gym dahil sa malakas na pwersang spike at tumama yun sa mukha ni... Hanna??

SHIT!!! agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Mabilis akong napatakbo kay Hanna na natumba sa makintab na sahig ng gym. Tinutulungan na syang makatayo ni Daniel at Tamina.

Teka si Daniel?? akala ko si Daniel ang nagi-spike sa kabilang side ng net. Hindi ko napansin na nagpalit na pala dahil sa malalim kong pag-iisip kanina.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon