Chapter 59 : Afraid

1.1K 43 7
                                    

Chapter 59 : Afraid

(flashback : Tamina POV)

Kumakain kami ngayon ng Dinner, si mama, papa at ako. Wala pa si Tamara mukang late na naman makakauwi dahil sa pagta-training ng Volleyball.

Almost 9pm. Grabe naman ang coach nya... sobra-sobra kung magpa-training sa mga players nya. Samantalang ako, sa Coach ko... 7pm pinauwi na agad kami.

Magkaiba na kami ngayon ng School ni Tamara, nag-transfer sya sa Pastrana High dahil sa nangyari samin sa Volleyball Club noong nasa Campbell pa sya. Ilang buwan narin ang nakalipas hanggang ngayon hindi perin nya ako kinakausap.

She's mad at me because of what happened. When Coach Amber made me the new Captain of Team Campbell. Hanggang ngayon hindi nya matanggap at hanggang ngayon, galit sya sakin.

Iyon ang dahilan kung bakit sya umalis sa team at nag-drop sa Campbell High para mag-transfer sa ibang School, at Pastrana High ang napili nya.

Kung saan nagsimula ang rivalry ng dalawang School namin.

.

.

.

Patapos na akong kumain ng biglang dumating si Tamara. Isang taon ang tanda nya sakin. Grade 8 sya habang ako ay Grade 7 palang.

"Hi dad, hi mom." bati nya agad sa parents namin.

"Oh bakit ngayon ka lang, umupo ka na dito at kumain." si mom.

Umupo si Tamara sa tabi ni mama na katapat ko. Saglit syang sumulyap sakin na may masamang tingin bago nagsimulang kumain.

"How's your training?? it's so late. Sobra naman sa oras magpa-training ang Coach mo. Hays, kung sa Campbell High ka nalang sana nanatili edi sana maagap kang nakakauwi." Dad.

"It's fine, dad. Naghahanda na kasi kami sa darating na finals next week kaya... mala-late lagi ako ng uwi dahil sa practice at training namin, and... please, ayoko na sa Campbell, dad." -Tamara.

Nahinto ako sa pagkain at napatingin muli kay Tamara. Honestly, walang alam si dad at mom sa totoong dahilan ni Tamara sa pag-alis nya sa Campbell High. Hindi nya sinasabi sa parents namin.

"Oh, Finals nyo na pala? congrats in advance anak. Ngayon palang proud na proud na si mama sayo." tuwang-tuwang sabi ni mom.

Bakit kanina nung pagkauwi ko, sinabi ko rin sa kanya na finals namin next week sa Volleyball, pero hindi ganun ang naging reaksyon nya sakin.

.

.

"Thanks mom, manuod kayo ni dad, ha!" -Tamara.

"Of course, we will, always." si mama habang hinahaplos pa ang buhok ni Tamara na kumakain.

.
.

Ganyan palagi si mom kay Tamara dahil panganay, first baby nya. Hindi naman ako nai-inggit o nagseselos. Sa katunayan, noon bigla akong sinasama ni Tamara sa lambingan nila ni mom at hindi nya ako hinahayaang nanonood lang.

.
.
.

Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.

.
.

"Next week?? which school is your opponent in the finals?" biglang tanong ni Dad kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi sumasagot si Tamara. Nang ibalik ko muli ang tingin ko sa kapatid ko,  nakita ko ang patagong ngisi nya habang kumakain.

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Where stories live. Discover now