Chapter 31 : Impossible

1.9K 55 3
                                    

Chapter 31 : Impossible

Nandito na kami sa Campbell High. Nasa loob na kami ng gymnasium at kaming mga team girls ay nakaupo sa bleachers para panoodin ang laban ng mga boys. Pansin ko naman na wala si Tamina ngayon para manood.

Nakakapagtaka, sa buong team ng girls... sya lang ang wala dito para manood.

.

.

CAMPBELL HIGH (Boys) VS. CAGSIAY HIGH (Boys)

Habang kaming girls naman ay mamaya pang hapon ang laban.

ENVERGA HIGH (Girls) VS. CAMPBELL HIGH (Girls)

Marami-rami narin ang mga tao dito sa loob at karamihan sa kanila ay sinisigaw ang school nila bilang pagsuporta.

Nagsalita na ang MC at tinawag na ang dalawang panig na maglalaban. Una na nga doon ang School ng kalaban ng School namin, ang Cagsiay High. Isa-isa narin tinawag ang first six nila na papasok sa inside court.

"CAGSIAY!"

"CAGSIAY!"

"CAGSIAY!"

"GO! GO! GO! GO!"

"CAGSIAY!"

"CAGSIAY!"

"CAGSIAY!"

"GO! GO! GO! GO!"

Mukang kalahati ng gym ay mga taga CAGSIAY HIGH. Sobrang lakas ng cheer nila.

"And now for the Team Campbell High!!!" -MC

"WOOOOOAAAAAAH!"

"WOOOOOAAAAAAH!"

"CAMPBELL!!! CAMPBELL!!!"

"CAMPBELL!!! CAMPBELL!!!"

"CAMPBELL!!! CAMPBELL!!!"

"CAMPBELL!!! CAMPBELL!!!"

Napapikit nalang ako saglit nang malakas na magsigawan ang mga manonood. Pero hindi ko maitatangging double ang lakas nun kumpara sa kalaban.

"Number 18, The Great Carrier, the setter... Prince Desembrana.

Number 13, The Barrier Breaker... Joshua Wigan.

Number 15, The Lightning Eye... Matt Mendez.

Number 30, The Team's Ace... Aldrin Dumalaon."

Wow, their titles is making me literally speechless. Ibang klase ang titulo nila sa larong volleyball. At habang binabanggit ng MC ang pangalan ng players, isa-isa din silang pumapasok sa inside court.

"Libero Number 4... The Flash... Daniel Lingcoran."

Sinundan ng mata ko ang naglalakad na si Daniel papasok sa loob ng main court at hindi ko inaasahan ang pagbaling nya sa mismong gawi namin saka kumaway samin.

"Go DANIEL!!!!😊😊😊" sigaw ng katabi kong walang iba kundi si Hanna kaya naman napabaling ako sa kanya. Napalingon din sya sakin at nahihiyang napangiti naman sakin.

Napagtanto nya ata yung bigla nyang pagsigaw kaya naman bigla syang nahiya.

Nginitian ko nalang din sya at binalewala ang isinigaw nya, sakin naman ay wala lang yon. Pero ang katabi nya sa kabila na si Lorraine ay agad syang tinukso.

"Ayiiieee, napaka-sweet naman hahahaha."

"Woi grabe ka, supportive lang naman ako." Hanna.

"Kaya nga, sa sobrang supportive mo, ang sweet nung ginawa mo...ayiiieee."

QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon