NICOLAS 1

4.1K 221 14
                                    

<ARISON FRANCIA. DEL FUERO>

Nico! kain ka muna, bago ka pumunta sa kasal mo! -malat na sabi ko habang nakangite sa kanya na mugto pa ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi.

dahil ngayong araw kasi nato, ang kasal niya sa babaeng alam kong mahal na mahal niya nong una pa lang.

ilang buwan ko na din iniyak ang lahat ng yun, simula ng sabihin niya sa akin na ikakasal na siya sa tunay na babae. nong una hindi ko matanggap yun, dahil kahit papaano kasal ay kami ng patago. pero ngayon siguro medyo tanggap ko na ang lahat ng yun, kahit alam kung masakit, kailangan kong tiisin dahil hanggang kabet lang talaga ang turing niya sa akin.

no! thanks busog ako! -tipid na sagot niya habang isinusuot ang ang neck tie na hawak niya.

kaya naman lumapit ako sa kanya para tulungan siya, dahil alam kong itong araw na din na to ang huling beses na mamagawa ko yun sa kanya, dahil ang bagong asawa na niya ang gagawa sa kanya neto araw araw.

ako na! -nakangiting sabi ko at saka kinuha yung neck tie na hawak niya, nong una nag aalangan pa siyang ibigay sa akin.

kaya naman ng matapos ko ng makabit sa kanya ay bahagya pa akong lumayo at pinagmasdan siya sa malayuan.

kaya naman diko maiwasang mapangite dahil napakagwapo niya ngayon sa suot niyang puting americana.

na tanging dati ay itim na damit at short lang ang suot niya noong ikinasal kami. nong una masaya ako kasi ikinasal kami dahil baka mahal niya talaga ako, kaya niya ako pinakasalan. pero mali pala ako dahil ginawa niya lang pala iyon, para mapatunayan sa isang kliyente niya dati na kasal siya sa lalaki, dahil bakla daw kasi ang kliyente na yun na may asawang lalaki rin.

kaya naman umiyak ako noon, nong sinabi niya na kahit kailan hindi niya kayang mag asawa ng baklang katulad ko. dahil kabet at puta lang ang turing niya sa akin.

Arison! sinasabi ko sayo kung may balak kang mang gulo sa kasal ko, wag na wag mong gawin dahil malilintikan ka sa akin! -banta na galit niya habang nakaduro pa sa akin. kaya naman bumuntong hininga ako bago sumagot sa kanya.

wag kang mag alala hindi ako mang gugulo! -nakangiting sabi ko habang pinipigil ang luhang lalabas na sa mga mata ko.

good! mabuti at nagkakaintimdihan tayo! -huling sabi niya at saka tumalikod akin palabas. na naririnig ko pa siyang tinatawag ng mga anak namin pero hindi niya man lang pinansin. kaya naman pumunta ako sa mga anak ko habang umiiyak.

papa! wag ka na umiyak! alam na po namin na hindi tayo love ni daddy! -naluluhang sabi ng anak kong si Sabrino habang nakayakap sa leeg ko.

papa! pwede bang umalis na tayo dito, ayoko na sa bahay na to! -malamig na saad ni Nicolo. kaya naman sumulyap ako sa kanya at ngumite.

ohhh siya anak dito muna kayo ah may pupuntahan lang si papa! wag kayong aalis dito huh! -saad ko.

kaya naman nagsitanguan silang dalawa at saka bumitaw sa pagkakayakap ko si sabrino.

kaya naman ilang saglit pa ay nagulat ako ng biglang nag vibrate sa bulsa ko yung cellphone, kaya naman dinukot ko yun at nakita kong may text si Jaspher na kaibigan ko.

Nandito na ako sa labas! -ani niya.

okay! magbibihis muna ako! -reply ko sa kanya. at saka natungo papanik sa silid ko upang magbihis. balak ko kasing magpunta sa simbahan ng patago kung saan gaganapin ang kasal ni Nicolas.

———
sure ka ba dito Arison!, kung binabalak mong mang gulo dito sa kasal ng gagung yun, wag mo ng ituloy, baka saktan ka na naman niya pag nahuli ka niyang nandito! -nag aalalang sabi niya sa akin.

wag kang mag alala Jaspher! hindi ako mang gugulo, gusto ko lang siya makita kahit sa huling araw na toh! bago ko siya tuluyang palayain! -naiiyak na sabi ko habang nakangiti.

kaya naman tumango na lang siya at iniwan ako na nakatingin sa naglalakad na bride patungo sa lalaking mahal na mahal ko.

kaya naman Nakakadurog, nakakamatay, nakakainggit at nakakagalit ang sitwasyon ko ngayon habang nakasilip dito sa pinto ng simbahan habang umiiyak. na pinagmamasdan ang dalawang taong ikinakasal sa harap ng altar na noon ko pa pinapangarap.

ako sana ang nanjaan eh! ako sana ang magsasabi ng katagang "I Do" sa lalaking nakahawak sa magkabilang kamay ng babaeng nakangiti ng napakalawak ngayon.

pero hindi eh! Masakit pa lang isipin na isa lang akong parausan, kabet, puta, at salot sa kanya.

Hindi ko naman ginustong maging ganun na lang. ang nais ko lang naman ay ang mahalin niya ako kahit na katiting lang.

pero bakit ganun! poket ba bakla na ako wala na akong karapatan maging masaya at mahalin at magmahal. ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganun, hindi niya parin ako kayang mahalin ng lubusan kahit nagpakababa na ako.

ang hirap pala ng sitwasyon ko! dahil sa punyetang sitwasyon na to! naging kabit at parausan lang pala ako ng isang pinaka mayamang tao na minahal ko.

bakit ba kasi sa dami ng ipupusta ng ama ko bakit ako pa ang naisipan niyang ipusta noon. Di sana hindi ko makikilala ang taong papatay sa akin sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

dahil sa punyetang sitwasyon ko ngayon! hindi ko matanggap na mas may bibigat papala dito, dahil hindi ko kayang masaktan ang mga anak ko balang araw na ang ama nila ay may tunay ng asawa.

pero kailangan ko ng sumuko! dahil hindi ko na kaya!

hindi ko na kayang magpakatanga! ng 5 taon sa taong pilit kaming itinatago, ikinahihiya at pinandidirian dahil lang sa isa akong abnormal na may kakayahang magkaroon ng sariling anak.

ang sakit lang! dahil sa mismong bibig niya pa talaga nanggaling ang katagang yun, habang kaharap ang mga anak namin na walang tigil umiyak. dahil sa mismong ama pa nila maririnig ang salitang lubos na ikinasakit ng dadamin nila, na alam kung babaunin nila hanggang sa pagtanda nila.

tama na siguro! tama na siguro! ang lahat ng pinagsamahan namin. tama na siguro! ang sakit na naidulot niya sa akin at sa mga anak namin. at tama na din siguro yung ginawa ko na ang lahat para mahalin niya ako pero hindi niya parin kaya, kahit man lang sa anak namin.

ayoko na! tama na! suko na ako! sa sakit at lungkot na nadarama ko araw araw sa kanya.

tama na ang pagiging kabet!

"gusto ko ng sumaya! ng hindi na siya ang kasama" -bulong ko ng makita kong naghalikan na silang dalawa ng bago niyang asawa. at sabay non ang sigawan at palakpakan ng ilang taong nakasaksi.

Kaya naman tumakbo na ako pabalik sa sasakyan ni Jaspher na umiiyak at ng nakita ko siya ay hindi ako nag untabiling yakapin siya ng mahigpit at sumubsob sa malapad niyang dibdib.

sige lang iiyak mo lang yan Aris! -saad niya habang hinahagod at hinahalik halikan ang tuktok ng ulo ko.

ilang sandali pa ay kumalas na ako sa pagkakayap, sa kanya ng marinig kong ang mga boses na nagsisilabasan na mga tao sa simbahan.

taa na Jaspher! gusto ko munang magpahangin bago natin kunin ang mga anak ko, papuntang america ngayon. -huling saad ko at saka niya ako pinag buksan ng pinto ng sasakyan!


————————————————————————
"The worst feeling in the world is being hurt by asomeone you love" 🙂

sorry sa makikita niyong typos! 😅

Please don't forget to vote!
ciao!!

TBS2: CEO. NICOLAS DEL FUEROWhere stories live. Discover now