NICOLAS 3

3.4K 219 81
                                    


<ARISON FRANCIA. DEL FUERO>

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon habang pinagmamasdan ang mga nagtataasang mga gusali dito sa bintana ng opisina ko,at hindi ako makapaniwala na mararating ko ang ganitong kataas na pamumuhay.

may maganda at malagong negosyo hindi lamang dito sa Dubai pati na din sa ibang bansa tulad ng Korea, Japan, Thailand at higit sa lahat sa Pilipinas.

sinong mag aakala na ang kinakaawan, sinasaktan at kabit na bakla noon ay magiging isang ganap na CEO ngayon. 

may ari ng mga sikat na pagawaan ng mamahaling bag, damit at alahas na binibili ng mga sikat na artista at mayayamang tao sa buong mundo.

Im a Hottest business tycoon now. hindi mangyayare ang lahat ng to kung hindi sa tulong ng kaibigan kong si Jaspher na business partner ko.

nagpapasalamat ako dahil sa nangyare noon hindi ko maabot ang lahat ng to kung di dahil sa galit at poot na dala-dala ko hanggang ngayon na naging instrumento ko para bumangon sa sarili kong mga paa at malaman ko kung sino ba talaga ako at kung ano ba ang kaya kong gawin dito sa mundong ito.

mabuti na lang at nagising ako sa katangahan at ilusyon na malabo naman palang mangyare simulat sapol.

masasabi kong masaya na ako dahil hindi na ako nakakulong sa piling ng demonyo, at malaya ko nang nagagawa ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon sa buhay ko ng hindi dinidiktahan.

madami ng nagbago sa loob ng Apat na taon isa na dito ang itsura ko masasabi kong maayos, maganda at kaaya aya na akong tignan ngayon. hindi tulad noon na para akong pinagkaitan ng mundo dahil sa hirap na pinagdadaan ko, naging katulong at parausan ng demonyo.

pero lubos akong nagagalit dahil sa ilang taong lumipas hindi parin mabago bago ang dulo ng pangalan ko at ng mga anak ko, dahil nakakakabit parin ang apelyido niya sa amin. hindi ko alam kung pano nangyare lahat yun dahil sinabi lang sa akin ng tauhang initusan ko sa pilipinas, na wala pang isinusubmit na divorce paper ang dati kong asawa hanggang ngayon.

nakakainis dahil mukhang nakatali pa rin ako sa kanya..

at about naman sa mga anak ko masasabi kong nasa maayos na silang pamumuhay nabibili ko na ang lahat ng mga bagay na gusto nila mahal man yun o murang halaga.

alam kong hindi pa sapat ang nararating ko ngayon dahil may kulang pa. hindi pa ako tuluyang masaya sa lahat ng ito, dahil hindi ko pa nagagawa ang mga bagay na pwede magpakuntento sa akin habang nabubuhay ako. isa na doon ang sirain ang buhay ng demonyong Nicolas na yun, gusto kong iparanas sa kanya ang mga bagay na ipinaranas niya sa akin noon.

yung niluluhuran dahil sa sobrang pagmamakaawa at sinasaktan ng emosyonal at physical dahil sa katangahan. gusto kong maranasan niya yun kasama ng bagong niyang asawa.

kaya sisiguraduhin ko na sa muling pagtapak ko sa pilipinas ay unti unti kong sisirain ang bagong pamilya niya, at sisiguraduhin ko na lahat ng pinaghirapan niya ay mawawala at ako ang magiging masaya sa aming lahat.

hindi pa man ako nagsisimula pero madami na akong alas para sirain silang dalawa.

nakakatuwa naman at matanda pala ang kabit ng malanding babaeng to, hindi ba siya nakuntento sa alaga ni Nicolas at naghanap pa ng matandang uugod ugod na. -natatawang saad ko habang pinagmamasdan ang litrato ng asawa niyang si Crisel habang may kahalikan itong matandang lalaki na kuha ng isang tauhan ko sa pilipinas.

tignan mo nga naman ang karma! ang babaeng mahal na mahal niya ay nagtataksil nasa kanya ngayon, parang lahat ng ginawa niya sa akin mukhang bumabalik na sa kanya.

TBS2: CEO. NICOLAS DEL FUEROWhere stories live. Discover now