NICOLAS 2

4.2K 268 99
                                    


•ARISON FRACIA. DEL FUERO•

pakikuha na lang Jaspher, yung mga bagahe namin na nakatago sa mga halaman na yun! at ako na lang ang kukuha sa mga anak ko sa loob ng bahay! -saad ko kay jaspher at saka tinuro yung nagkukumpulang halaman sa bakanteng lote ng bahay namin.. kaninang madaling araw ko lang kasi itinago don yun para hindi makahalata si Nicolas.

sige! pakibilisan mo baka mahuli pa tayo sa flight, at maabutan pa tayo ng asawa mo! -saad niya kaya naman tumango ako at saka lumabas ng sasakyan. at tumungo sa bahay namin.

papasok palang sana ako sa gate ng bahay namin, ng bigla akong nagulat ng marinig ko ang mga anak ko na malakas na umiiyak sa loob. kaya naman tumakbo ako na halos madapa dapa pa ako sa pag mamadali, dahil baka napano na ang mga anak ko.

mga bwisit talaga kayo, sa dami ng sisirain niyo bakit yung mamahaling Painting pa ang pinag intirisan niyo! -naririnig kong sigaw ni Nicolas sa loob ng bahay.

kaya naman ng makapasok na ko sa loob ng bahay ay biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita kong hinahampas ni Nicolas ang mga anak namin ng Sintron na naka luhod sa sofa. habang nakasuot pa siya ng americana na halatang kakauwi niya lang galing sa kasal niya kanina at mukhang lasing pa.

kaya naman nagmadali akong tumungo sa kanila, at saka tinulak si Nicolas, palayo sa mga anak namin.

ano bang ginagawa mo! pati ba naman anak ko sasaktan mo! ganyan kana ba kasama! -sigaw na galit ko sa kanya at saka niyakap ang dalawang anak namin na nanginginig pa sa takot.

wag mo akong sigawan Arison! saan ka naman ba nagpunta sa lalaki mo huh? at saka anak mo lang yan, dahil wala akong anak na abnormal, malandi ka! -sigaw niya sa akin at saka marahas na hinila ang buhok ko na siyang ikinadaing ko. na siya ding ikinabitaw ko sa pagkakayakap sa mga anak namin at nakita ko pa silang sumisigaw patakbo palabas ng bahay.

kaya naman hindi ko maiwasang maiyak, dahil lagi naman ganito ang inaabot ko tuwing lasing ang lalaking to, kung hindi sinisigawan! binubugbog ng ilang beses hanggang sa magsawa siya.

kahit ganun ang ginagawa niya sa akin,ay hindi ko parin kayang magalit sa kanya noon. siguro nga ang tanga ko na lang ngayon pag pinalampas ko pa ito, kahit na pati ang anak namin ngayon ay nakakaranas na ng pagmamalupit niya.

siguro nga kailangan ko ng maging matapang, dahil sawang sawa na akong maging mahina sa kanya.

oo na! malandi na ako, salot, abnormal o kung ano pa sa tingin mo sa akin, ano masaya kana! lalaki ka na niyan sa tingin mo huh! -galit na sigaw ko habang umiiyak sa kanya.

kaya naman bigla siyang nagulat dahil sa ipinapakita kong ugali ngayon sa kanya di tulad noon na kahit murahin at pagbuhatan niya pa ng kamay ay okay lang sa akin.

So! inamin mo din na pumunta ka sa lalaki mo, at pinabayaan mo ang mga anak mo ditong manira sa pamamahay ko! puta di ka lang pala malandi eh, pabayang magulang ka din! -sigaw niya sa akin sa akin habang dinuduro ng isang kamay niya. kaya naman bigla akong natawa ng pagak sa sinabi niya.

hahahaha nagpapatawa kaba, sino kaya sa atin ang pabawang magulang! ikaw na nagpipiling binata o ako na tumatayong ina at ama ng mga bata, alam mo nakakaawa ka, at napaka wala mong kwenta, may bayag ka ba talaga hahaha! -natatawang sabi ko sa kanya.

kaya naman ilang saglit pa ay bigla akong napailing ng sampalin niya ako ng napakalas sa pisnge na nakahawak pa din ang isang kamay niya sa buhok ko ng mahigpit. kaya naman unti unti akong humarap sa kanya habang nakangisi.

siguro nga manhid na ako noon at nababaliw na sa pagmamahal na gusto kong maranasan sa kanya kahit malabo pa.

kahit nga siguro ginagalingan ko na ang papasarap sa kanya tuwing may nangyayare sa amin, kaso wala paring talab tong hayop na to eh, mas sumasakit lang ang tenga ko pag pangalan ng babaeng pinakasalan niya ngayon, ang inuungol niya habang bumabayo sa akin.

TBS2: CEO. NICOLAS DEL FUEROWhere stories live. Discover now