NICOLAS 4

4.7K 280 182
                                    


•ARISON FRANCIA. DEL FUERO•

Arison ayos ka lang ba? kaya mo bang pumasok ngayon sa Kompanya? kung pumasok ka na lang kaya, pag mabuti na ang pakiramdam mo. -nag aalalang sabi sa akin ni Jaspher habang hinihimas ang likod ko dahil sa patuloy kong pagsusuka ngayon dito sa tapat ng lababo.

hindi ko alam kung kinukulam ba ako sa lagay ko ngayon o ano? pero alam ko, ito ang araw kung saan sinusumpong na naman ang pagtaas ng Estrogen level ng katawan ko bilang isang carriers, napaka hirap palang maging isang carriers lalo na pag hindi mo nararamdaman ang katawan at presensiya ng unang nakabuntis sayo..

nakakatawa lang at may ganito pang sitwasyon ang maaring maramdaman ko, hindi pa ba sapat yung nasaktan at naghirap ako sa taong yun ng ilang taon.

hindi pa ba sapat na lumuyo kami dahil natauhan na ako sa pagiging kabet at tanga. dahil sa nararamdaman kong ito buwan buwan ay parang hanggang ngayon ay nakakulong parin ang kalayaan ko sa kanya.

siguro nga kinulam na ako sa lagay kong ito! at siya ang may gawa non.

Kaya kong pumasok! wag kang mag alala. -nanghihinang sabi ko sa kanya at saka inabot ang tubig na hawak niya saka ko iyon pinangmumog.

kung pwede nga lang sana, na magpaasawa na ako ngayon kay Jaspher ay ginawa ko na. para matanggal na ang sumpang dala dala ko ng ilang taon.

pero hindi naman ako ganon kasamang tao, ayoko namang gamitin ang taong hanggang kaibigan at kapatid lang ang turing ko.

alam kung may nararamdaman pa rin siya sa akin hanggang ngayon, kahit na ilang ulit ko ng hindi tinanggap ang nararamdaman niya sa akin.

aaminin ko natatakot na akong magmahal dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang sakit na naranasan ko noon sa taong yun. na kahit pilit ko ng ibinabaon sa limot ang mga masasamang ala-alang yun ay nakatatak parin sa akin ang lahat ng yun.

oo nga pala! hindi nga pala ala-ala yun! dahil isa iyong bangungot na puro sakit ang naranasan ko noon kasama ang mga anak ko.

siguro nga natuldukan na ang pagiging tanga, kaya wag ng umasa.

Sige hahatid na lang kita sa Kompanya mo. -mahinahon na sagot niya habang pinupunasan ang pawis ko sa noo, kita ko pa ang pagsulyap niya sa mga mata ko na parang binabasa ang nilalaman ng nasa utak ko.

kita ko pa ang pag iling at pag pagwala ng emosyon sa labi at mata niya, habang nakatitig sa akin.

bakit kasi hindi na lang ako? -mahinahong sabi niya at saka idinampi ang isang daliri niya sa mga mata ko, don ko lang napagtanto na may luha na naman palang tumulo sa mga mata ko.

alam kong hindi ko parin limot ang lahat ng mga pagmamahal na inaasahan ko sa taong yun hanggang ngayon.

masakit pa rin pala ang lahat! kahit na galit at poot na ang nakaramdam ko sa demonyong yun ngayon, ay alam kong may katiting parin akong nakaramdam sa kanya.

Alam mo na ang sagot ko sa tanong mong yan. -mahinang sagot ko sa kanya, kita ko ang sakit na biglang gumuhit sa mata niya habang nakatitig kaming pareho sa isat-isa.

alam ko kung gaano kasakit ang mabaliwala, kaya ramdam kong iyon ang nararamdaman niya ngayon, dahil ako mismo ay nakaramdam ng ganun sa taong pilit kong minahal kaso hindi ako minahal ng pabalik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TBS2: CEO. NICOLAS DEL FUEROWhere stories live. Discover now