Chapter 22

195 7 1
                                    

Chapter 22

"Okay lang kaya si Aislinn?" Bigla kong tanong. Halos maghating gabi kasi ngayon iyong dalawang bata tulog na roon sa kwarto ko.

Na text kasi sa akin si Aislinn na sa akin daw muna si Aisee, si Ara naman nasa cabin ni Aislinn pero wala raw doon si Aislinn pa.

"Hayaan mo na lang muna baka bukas okay na iyon," sabi ni Seph na kasama ko na nasa may veranda kaming dalawa umiinom kaming dalawa ng beer in can. Kanina pa kami rito iniisip ko kasi si Aislinn. Nakaupo kaming dalawa ni Seph sa tapat ng kwarto ko kasi nandoon ang dalawang bata tulog na tulog na.

"Matulog ka na Bri," sabi niya sa akin.

"Hindi rin naman ako makakatulog," sabi ko habang nakatingin lang sa beer na hawak ko wala pa iyong kalahati kanina ko pa iyong hawak pero hindi ko gaano iniinom.

"Sige sasamahan na lang kita," sabi niya sa akin.

"Matulog ka na antok ka na yata," sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin.

"Kamusta ka na pala? Kamusta ka sa loob ng pitong taon?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman ayon natupad ko lahat ng plano ko," nakangiting sabi ko nakita ko rin naman na napangiti siya sa akin tapos uminom siya sa beer niya.

"Masaya ako para sa iyo," sabi niya sa akin.

"Ikaw kamusta ka?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin na kitang kita na naman ang malalim niyang dimples.

"Okay naman, natupad ko rin ang mga pangarap ko," sabi niya sa akin.

"Siguro proud na proud sa iyo ang mommy mo kasi isa ka ng architect." Tumingin naman siya sa akin tapos uminom ulit ng beer at tumingin siya sa langit na puno ng butuin.

"Mommy proud ka ba sa akin?" Tanong niya habang nakatingin sa langit. Napanganga naman ako sa kanya.

"Patay na ang mommy mo?" Tanong ko sa kanya. Tipid na ngumiti siya sa akin.

"Noong fourteen years old pa ako," sabi niya.

"Loko ka bakit hindi mo naikwento sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka naman nagtanong e, atsaka bago pa kita maipakilala sa pamilya ko break na tayo plano ko sana ipakilala ka pagkatapos mo magreview," sabi niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Sa totoo kasi hindi niya talaga ako naipakilala sa pamilya niya kasi busy ako dati sa pagrereview ko. At hindi ko rin siya gaanong nakilala noon dahil mabilis lang din naman naging kami at mabilis din naghiwalay.

"Alam mo ba minsan napapaisip ako, paano kaya kung hindi tayo nagbreak dati?" Tanong niya habang nakatingin na sa dagat na naririnig namin ang hagaspas ng alon.

"Siguro ganito pa rin naabot natin mga plano natin pero wala kang Miguel," sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at sumilip sa glass kung saan nakikita iyong dalawang bata na tulog na.

"Si Miguel ang naging pangyayari sa akin noong nawala ka," sabi niya habang nakatingin kay Miguel na mahimbing ang tulog.

"Swerte sa iyo ni Miguel," nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nginitian din ako.

"Swerte rin ako sa kanya," sabi niya sa akin.

"Parehas kayong dalawa," sabi ko sa kanya na mahinang tumatawa. Napatitig naman siya sa akin habang nakangiti.

"Siguro kung tayo pa rin hanggang ngayon mag-asawa na tayo at marami na tayong anak mga walo na," sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama, mahina naman niya akong tinawanan.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now