Chapter 20

213 9 2
                                    

Chapter 20

"Hindi ko anak si Miguel."

Napatitig ako sa kanya habang nakatingin siya sa anak niya.

"Noong nalaman ko iyon ang dami kong what ifs pero kung mas maaga ko naman nalaman ay hindi ko makakasama at makakapiling si Miguel, si Miguel ang naging liwanag ko rati. Noong una ko siyang nakarga sobrang tuwa ko, mahal na mahal ko si Miguel. Pinalangin ko na sana ay akin na lang talaga si Miguel," sabi niya habang nakatingin pa rin sa anak niya.

"Alam ba ni Miguel?" Tanong ko sa kanya humarap naman siya sa akin tapos tipid na ngumiti.

"Hindi, at hindi na kailangan niyang malaman iyon sa mata ng batas ako ang ama ni Miguel hindi man siya sa akin pero anak ko pa rin siya," sabi niya habang nakangiting nakatingin na kay Miguel. Napatingin din naman ako ay Miguel at napangiti.

"Swerte ni Miguel sa iyo halatang mahal na mahal mo siya," sabi ko sa kanya habang nakatingin kay Miguel na nakatingin sa amin tapos kumakaway ito.

"Ikaw rin naman," sabi niya napatingin naman ako sa kanya. Sakto naman nagtagpo ang mata namin nakatitig siya sa akin.

"Ha?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Nginitian lang naman siya ako.

Akmang sasagot siya ng marinig namin na umiyak si Miguel kaya naman ay mabilis kaming tumakbo papunta sa bata na ngayon ay nakataob na kotse nitong maliit.

Mabilis naman na dinaluhan ni Seph ang anak niya at tinayo ito pero umiiyak pa rin ito habang nakatingin sa tuhod nitong may gasgas may kaunting dugo roon.

"Daddy," umiiyak na sabi ni Miguel habang nakaturo sa sugat nito. Agad naman itong kinarga ng ama at dinala sa loob ng bahay sumunod naman ako. Nilapag ni Seph ang anak niya sa isang upuan tapos iniwan niya ito at pumunta sa may kusina. Tumabi naman ako sa tabi ni Miguel.

"Mama may dugo," humihikbing sabi ni Miguel habang nakatingin sa sugat niya. Mayamaya ay niyakap niya ako sa may baywang ko kaya naman niyakap ko rin siya.

"Huwag ka na umiyak, maliit na sugat lang iyan gagaling din iyan." Pag-aalo ko sa kanya.

Mayamaya ay bumalik na si Seph may dala itong panlinis ng sugat. Nilinisan niya ang sugat ni Miguel habang nakayap sa akin si Miguel. Matapos niya malinisan ay nilagyan niya ng betadin iyon.

"Gagaling na iyan," sabi ko ka Miguel na tumigil na sa pag-iyak.

"Huwag na iiyak Miguel ha, malaki ka na dapat strong ka na," sabi naman ni Seph sa anak niya.

"Opo," sagot naman ni Miguel sa tatay niya. Nginitian ko naman si Miguel.

Nagtagal din ako ng kaunti sa bahay nila nakipaglaro rin ako kay Miguel sa playroom nito kasama ang daddy niya. Halatang close na close silang dalawa at tiyak ko na kapag nalaman ni Miguel na hindi niyang tunay na daddy si Seph ay sobra itong masasaktan.

Lagi lang akong tinatanong ni Miguel tungkol kay Aisee, halatang gustong-gusto kalaro ni Miguel si Aisee. Tinatanong niya ako kung kailan daw kami pupunta kila Aisee. Si Aisee lang ang bukambibig niya habang nagkukwentuhan kami, mukhang malapit si Miguel kay Aisee, siguro ay natutuwa sa malusog na batang iyon. Nakakatuwa naman kasi talaga at ang taba-taba ng batang iyon tapos ang bibo pa minsan nga lang ay suplada mana sa nanay niya.

Bandang hapon na ako umalis sa bahay nila Miguel, noong nakatulog na ito umalis ako kasi ayaw ako paalisin ng bata sa bahay nila. Doon na rin ako pinakain ni Seph, may kasambahay sila isa lang iyon iyon daw ang nag-aalaga kay Miguel. Mukhang bata pa iyong yaya ni Miguel siguro ay nasa twenty years old lang iyon.

Pag-uwi ko sa bahay ay umupo muna ako sa sofa namin saglit tapos pumunta ako sa kusina, nakita ko naman iyong niluto kong carbonara. Nag-init ako noon tapos kumain ako matapos noon ay umakyat na ako sa kwarto ko nilock ko muna ang bahay bago ako umakyat. Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga ako sa kama ko at natulog ako. Inantok din ako sa pakikipaglaro ko kay Miguel.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now