Chapter 7

207 12 0
                                    

Chapter 7

Dalawang araw na rin ang nakalipas noong nakasabay namin iyong arki na feeling close sa pagbili ng libro. At sa dalawang araw na iyon ay halos araw-araw niya akong kinukulit sa text. At ng minsan na hindi ko siya reply-an ay tinatawagan naman ako kaya naman sinabihan ko kapag hindi siya tumigil ay iba-block ko siya kapag nangulit pa siya. At laking tuwa ko naman na natigil siya sa pangte-text nang text sa akin.

"Bebs!" Malakas na sigaw ni Aislinn ng makita niya kami, nakatambay kasi kami sa may bench kasama ko si Sprouse at Ara kaya naman sabay-sabay kaming napalingon, sakto pa naman na nag-mobile legend kaming tatlo.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa amin, excited naman siyang umupo sa tabi ko.

"Mobile legend na naman kayo," sabi niya ng makita niya ang ginagawa naming tatlo.

"Nagre-relax lang kami," sabi ko habang sa cellphone ko nakatotok ang atensyon ko.

"So ayon nga bebs, cancel group date natin sa 14," sabi ni Aislinn kaya naman napalingon ako sa kaniya ganoon din si Sprouse.

"Bakit?" Sabay na tanong namin ni Sprouse.

"Si Zeon baby niyaya ako magdate raw kami sa 14, oh my gas bebs dream come true," sabi ni Aislinn habang kinikilig kilig pa sa tabi ko.

"Ano?!" Malakas naman sigaw ni Sprouse na ikinalingon namin ni Ara.

"Makareact ka naman," sabi ni Aislinn kay Sprouse.

"Nasasaktan ako kahit na walang tayo, walang tayo." Pakantang sabi naman ni Ara habang nakatotok pa rin sa cellphone niya. Tumawa naman ako at sinabayan ko pa si Ara sa pagkanta tapos naghigh five pa kami ni Ara. Tiningnan naman kami ng masama ni Sprouse kaya lalo kaming natawa.

"Ano mayroon?" Tanong ni Aislinn na walang kaalam alam sa tinatawanan namin ni Ara.

"Wala naman bebs," sabi ko habang tumatawa pa.

"Hello mga ate at kuya," sabi naman ng biglang sumulpot na feeling close na Arki.

"Hello Seph," sabi naman ni Ara at Aislinn dito. Tiningnan ko lang siya saglit tapos ay binalik ko ulit atensyon ko sa nilalaro ko. Lumipat naman si Ara sa katapat namin kung nasaan nakaupo si Sprouse, tapos umupo sa tabi ko iyong arki na feeling close.

"Rank game?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya, sakto naman na namatay ako bigla niya naman inagaw sa akin iyong cellphone ko.

"Feeling close," sabi ko sa kanya bago irapan at humarap ako kay Aislinn.

"Nakaset na tayong tatlo ni Sprouse at ikaw na lalabas sa 14 hindi ba? Tsaka 'di ba nga celebration na rin natin iyon para sa birthday ko," sabi ko kay Aislinn na nakahalumbaba sa table.

"Sa birthday mo na lang tayo lumabas after class niyo," sabi ni Aislinn.

"Kailan birthday mo ate?" Tanong ng feeling close na Arki na nasa tabi ko na ngayon ay siya na naglalaro sa mobile legend ko.

"Sa 13 na," sagot naman ni Aislinn dito habang nakangiti, napasulyap naman iyong arki sa akin saglit tapos binalik ulit tingin sa cellphone ko.

"Malapit na," sabi niya.

"Dali na bebs, sa birthday mo na lang tayo lumabas tapos kayo na lang ni Sprouse lumabas sa 14," sabi ni Aislinn nagkatitigan naman kami ni Sprouse.

"Hala ayoko nga, dapat tatlo tayo tsaka nakasanayan na natin iyon na tatlo tayong lalabas tuwing valentines," sabi ko.

"Oo nga ate Aislinn hindi pwede iyon," sagot naman ng katabi ko na busy sa paglalaro ng mobile legend.

"Hindi ka kasali sa usapan huwag kang makisabat," sabi ko sa kanya.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now