Chapter 14

164 6 2
                                    

Chapter 14

Sorry po sa mga error, hindi ko pa na-edit kaya pagpasensyahan niyo po. Enjoy reading po.

*****

Graduation na namin ngayon, nakangiti ako habang nakatingin sa harap habang tinatawag na ang mga graduates. Si Ara ay malayo akin dahil alphabetical ang seating arrangement namin, si Sprouse ay malayo rin sa akin dahil Sebastian siya. Kapag nagtatagpo ang tingin namin ni Ara at nagngingitian kami halata rin sa kanya na excited siya.

"Morales, Kalila Aubrey L." Pagkarinig ko sa pangalan ko ay tumayo na ako at umakyat sa stage para kunin ang diploma ko, napatingin naman ako sa likod kung nasaan nakaupo ang mga parents namin, nandoon din si Seph kumakaway sa akin tapos hawak niya iyong camera niya. Ngumiti naman ako sa kanila. Matapos ko mapicturan sa stage ay bumaba na ako at bumalik sa pwesto ko.

Nagpatuloy ang seremonya ako naman ay pumapalakpak sa mga graduates na umaakyat sa taas. Masayang masaya ako ngayon dahil after five years ay graduate na rin ako, kaunti na lang at magiging engineer na ako.

Nagsimula na rin ang review namin pero hindi pa naman ganoon kahirap pa siguro ay dahil kakasimula-simula pa lang sa mga susunod na buwan ay doon na kami magiging busy sa pagreview para sa preperation namin sa board exam sa darating na November. Si Seph noong unang araw ng review namin binisita niya ako at kinamusta, wala na rin kasi silang pasok. Sa July pa enrollment nila kasi August pa ang pasukan.

Nang matapos na ang graduation ceremony ay lumabas na kami kasama ko sila Ara at Sprouse tuwang-tuwa kami habang nakayakap sa diploma namin.

Paglabas namin ng pintuan ay nakita namin ang pamilya namin kaya naman ay lumapit kami sa kanya-kanya naming pamilya niyakap ko sila mama at papa.

"Congratulation anak," sabi ni mama sa akin naluluha naman ako na inabot ang diploma ko.

"Ayan na mama at papa, tapos na ako sunod engineer na ako," sabi ko sa kanila. Nginitian naman ako nila mama at papa.

"Congrats ate," sabi ng kapatid ko tapos niyakap ako niyakap ko rin naman siya.

"Congrats ate," sabi ni Seph sa akin kaya naman napabitaw ako sa kapatid ko tapos pinalo ko siya sa braso tinawanan niya naman ako tapos inabutan niya ako ng bouquet na sunflower tinanggap ko naman iyon.

"Salamat," sabi ko sa kanya tapos niyakap ko rin siya niyakap niya rin naman ako tapos hinalikan niya ang ulo ko.

"Picture kayo dali," sabi ni Seph sa akin kaya naman lumapit ako kila mama at papa tsaka sa kapatid ko, alam na rin nila mama na kami na ni Seph iyong tatay ko tuwang-tuwa naman. Gusto-gusto na ako magkaboyfriend e, pero noong nag-usap sila ni Seph halos takutin niya naman si Seph.

Nagpose kaming pamilya nasa gitna ako nila mama at papa tapos iyong kapatid ko ay nasa tabi ni mama, pinicturan kami ni Seph gamit ang hawak niyang camera.

"Halika Seph sumama ka rito," pag-yaya ni mama kay Seph matapos makuhaan kami ng apat na shot.

"Sprouse, kuhaan mo kami ng picture dali," sabi ko kay Sprouse na nakikipag-usap kay Aislinn. Lumapit naman siya at binigay ni Seph ang camera niya, tumabi sa akin si Seph bali ako ang nasa pinakagitna nila. At ng maka tatlong shot na ay kami naman ni Seph ang pinicturan niya, pagkatapos ay nagpapicture na rin sila Aislinn at Sprouse tapos kaming tatlo ni Ara at Sprouse. Tapos lahat kami ni Ara, Sprouse, Aislinn at Seph ang nagpapicture sa kapatid ko.

Matapos ang picture taking namin ay kumain kami sa labas kasama namin si Seph sila Ara at Sprouse ay may ibang lakad din kaya naman pamilya lang namin kasama si Seph.

Masaya kaming kumakain habang nagkukwentuhan kami, masayang-masaya talaga ako ngayong araw nakikita ko rin sa pamilya ko na masaya sila para sa akin ganoon rin naman kay Seph.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now