Chapter 6

194 6 0
                                    

Chapter 6

"Lila tapos mo na iyong take home quiz?" Tanong sa akin ni Ara nakakarating lang. Tumango naman ako sa kaniya habang kumakain ng biscuit at umiinom ng yakult, hindi kasi ako nag-breakfast maaga kasi ang klase ko.

"Oo tapos na," sabi ko sa kaniya.

"Pakopya," nakangiting sabi ni Ara inabot ko naman sa kanya ang clipboard ko kung nasaan ang take home quiz namin, nakangiti naman niya iyong kinuha tapos kinuha niya ang papel niya, ballpen at calculator.

"Ang galing natapos mo noong isang araw problema mo ito," sabi ni Ara habang kumokopya sa papel ko nakita ko na inaaral niya rin iyong mga sagot kung paano nakuha.

"Tinulungan ako noong arki kahapon umalis ka kasi agad," sabi ko sa kaniya napalingon naman sa akin si Ara at malisyosang ngumiti sa akin.

"May tagasubo na, may taga-load na rin, tapos may tagaturo pa sa math, isang malaking sana all na lang talaga Lila," sabi ni Ara habang nakangiti sa akin.

"Alam mo Ara nahahawa ka na sa mga issuerist nating kaklase," sabi ko sa kaniya bago siya irapan.

"Aba, ka-issue-issue naman kasi talaga kayo," sabi niya habang nagsusulat na siya.

"Kumopya ka na lang diyan mamaya nandito na si Ma'am," sabi ko sa kaniya, tumayo naman ako sa upuan ko na dala-dala ko ang walang laman na yakult at plastic ng biscuit ko tinapon ko iyon sa basurahan tapos bumalik ako sa pwesto ko, nagsusulat pa rin si Ara at inaaral niya ang kinokopya niya.

"Alam mo matalino iyong bata mo Lila," sabi ni Ara matapos niya komupya.

"Hindi ko nga bata," sabi ko sa kaniya.

"Sige baby mo na lang," sabi niya kaya naman pinalo ko siya sa braso niya.

"Hindi nga, bakit ba pinagpipilitan ninyo." Inis na sabi ko sa kaniya.

"Kasi nga may something talaga," sabi niya.

"Wala nga," sabi ko tumawa lang naman siya.

"Lila tapos mo na take home quiz?" Tanong sa akin ni Sprouse na kararating lang.

"Oo," sabi ko.

"With the help of her baby boy," sabi ni Ara. "My gosh english iyon hindi ko kinaya."

"Hindi na kita papakopyahin Ara," sabi ko habang nakatingin ng masama sa kaniya tinawanan lang naman ako ni Ara.

"Kayo na Lila?" Tanong ni Sprouse sabay upo sa upuan na nasa harap namin, nakatingin siya sa amin ni Ara.

"Hindi! Hindi, walang kami manahimik kayo," sabi ko sa kanila, sabay naman na tumawa si Ara at Sprouse.

"Basta feeling ko sa valentines may ka-date na itong si Lila," sabi ni Ara.

"Oo mag-third wheel ako sa date noong isa riyan," sabi ko habang nakatingin kay Sprouse.

"Gaga, ikaw na lang ngayon hayaan mo na dumiskarte iyang torpe," sabi ni Ara.

"Sinong torpe?" Kunot-noong tanong ni Sprouse.

"Ikaw," sabay na sabi namin ni Ara. Lalo naman kumunot ang noo ni Sprouse sa amin magsasalita na sana siya ng biglang pumasok na sa room namin ang professor namin kaya umayos na kami ng upo. Nag-attendance kami bago ipapasa ang take home quiz namin, pre-board kasi subject namin ngayon, isang subject lang namin ito ngayong araw pero five hours and thirty minutes naman na klase.

Nang magdiscussion na kami ay kinuha ko iyong calculator ko na calculator naman talaga ni Arki, tapos kinuha ko rin iyong ballpen ko at nilagay ko sa harap ng clipboard ko ang papel ko. Nakikinig lang kami sa discussion. Nagno-notes lang ako kapag may sinasabi ang prof namin na dapat namin tandaan.

Eyes On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon