Chapter 1

406 11 0
                                    

Chapter 1

"Yes! Last semester ko na lang," masaya kong sabi habang nakatingin sa enrollment form ko.

"Sana all isang semester na lang, ako isang taon pa," sabi ni Aislinn sa akin na kasama ko ngayon dito sa canteen.

"Bebs, okay lang 'yan, mabilis lang ang panahon," sabi ko sa kaniya.

"Kaya nga, okay lang 'yan, malay mo bumagsak ako ngayong semester e 'di makakasama mo pa ako ulit ng isang sem, o kaya hintayin kita para sabay tayo maka-graduate," pabirong sabi ni Sprouse kay Aislinn.

"Oy gago, 'wag kang magpapabagsak sayang naman." Sabi ni Aislinn dito.

"Syempre joke lang iyon ano, ang hirap-hirap ng engineering tapos papabagsak ko pa kung kailan last sem ko na," sabi ni Sprouse.

"Good iyan kapag may trabaho na kayo ni Bebs libre ninyo ako, ha," sabi ni Aislinn.

"Sure, lilibre tayo ni Pareng Sprouse, 'di ba Pare?" sabi ko kay Sprouse habang nakangiti.

"O? Bakit ako, tayong dalawa raw manlilibre, napakakuripot mo talaga Lila." Nagrereklamong sabi ni Sprouse.

"Ikaw lalaki kaya libre mo na kami ni Bebs, sige na Pare," sabi ko sa kaniya.

"Oo nga, Sprouse libre mo na kami ni Bebs ngayon, gusto ko noong hotdog sandwich," sabi ni Aislinn habang nakatingin sa may tindahan ng hotdog sandwich.

"Oo nga sige na pare gutom na kami libre naman diyan," sabi ko sa kaniya. Bumulong bulong pa siya pero kinuha niya iyong wallet niya at binigay sa akin.

"Ayan, bumili kayong dalawa, bilhan ninyo rin ako ha," sabi niya tumango naman ako at tumayo sa pagkakaupo, sumama naman sa akin si Aislinn, iniwan namin sa upuan namin ang bag namin bago punta sa bilihan ng hotdog sandwich. Nang makabili na kami ng hotdog sandwich ay nilagay muna namin sa table namin bago kami naghanap ni Aislinn ng bibilhan ng inumin.

Nang may nakita akong lemonade ay bumili ako noon si Aislinn naman ay naghanap ng maiinom niya, nang makabili na ako maingat kong hinawakan ang lemonade ko na naka-cup lang dahan-dahan ko iyong hinawakan at hindi hinayaang matapon ang laman nang may biglang bumangga sa akin at natapon ang lemonade ko halos kalahati na lang ang natira roon, inis na napalingon naman ako sa bumangga sa akin, nakita ko ang dalawang lalaki na nasa likod ko.

"Sorry Miss, itong kasama ko kasi tinulak ako," sabi ng lalaki nakabangga sa akin, tiningnan ko ito.

Matangkad ito siguro nasa 5'8" ang height nito, maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong at mestizo ito.

Tinaasan ko ito ng isang kilay ko.

"Mag-ingat kasi kayo sa susunod," sabi ko sabay alis, narinig ko naman na may binulong 'yong lalaking kasama niya.

"Pare, suplada," rinig ko na sabi ng lalaking kasama ng nakabangga ko.

"Miss, palitan ko na lang inumin mo," habol sa akin ng lalaking nakabangga sa akin.

"No thanks na lang," sabi ko sa kaniya at hindi siya pinansin.

"Miss--"

"Okay nga lang, alis na shoo!" Pagtataboy ko sa kaniya. Bumalik naman ako sa table namin nakita ko naman na umupo sa may kalapitan sa table namin iyong lalaking nakabangga sa akin.

"Ano nangyari sa damit mo?" tanong ni Sprouse sa akin habang nakaturo sa damit kong nabasa kanina.

"May makukulit kasi na nagtulakan sa likod ko kanina," sabi ko sabay tingin sa table ng nakabangga sa akin.

"Ay Bebs, gwapo!" sabi ni Aislinn, sabay naman kami napalingon sa kaniya ni Sprouse.

"Gwapo ba iyan? Mas gwapo ako riyan, ano," sabi ni Sprouse.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now