Chapter 4

209 6 0
                                    

Chapter 4

"Bakit dala mo iyang t-square mo?" Tanong sa akin ni Aislinn habang papasok kami sa gate ng university namin.

"Nasira ko iyong t-square noong arki na feeling close," sabi ko sa kaniya. "Bebs alam mo room niya?"

"Hindi pero kung gusto mo tanong ko siya," sabi niya sabay kuha ng phone niya sa bulsa niya nag-type siya roon, napataas naman ang isang kilay ko, close na talaga ang dalawang feeling close na ito?

"Close na kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo minsan nakaka-chat ko siya tinatanong ko siya about sa crush ko, tropa na raw kasi sila e," sabi niya. Napatigil naman ako sa paglakad at tumingin kay Aislinn.

"Grabe ka na sa crush mo na iyan, pati iyong feeling close na iyon close mo na," sabi ko.

"Okay lang 'yan," sabi niya. "Ayon drawing room 304 daw."

"Sige salamat, kita na lang tayo mamaya," sabi ko sa kaniya bago kami maghiwalay ng way kasi magkaiba kami ng building.

Nang makapasok na ako sa academic building namin ay mabilis akong umakyat sa hagdan. Nang makarating ako ng third floor ay hinanap ko iyong room nila at nang makita ko na iyon ay saglit akong sumilip sa glass ng pintuan ng room nila, nakita ko siya na nasa gitnang bahagi ng room nakaupo sa tapat ng drawing table niya. Ako naman ay hindi ko alam kung paano ako kakatok nakakahiya kasi mang istorbo ng klase. Ilang minuto rin akong naghintay sa labas ng room nila at naghahanap ng tyamba na kumatok, laking pasalamat ko naman ng may isang babaing lumabas sa room nila.

"Excuse me," sabi ko sa kaniya ng mapadaan siya sa harap ko timigil naman siya sa paglakad at humarap sa akin napatingin siya sa ID lace ko.

"Ano po iyon?" Tanong niya sa akin.

"Pwede makisuyo ako, patawag naman si Ark- I mean si Joseph," sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

"Wait lang po," sabi niya sabay balik sa room nila sumilip ako sa glass ng pintuan at nakita ko na nilapitan noong babae iyong arki na feeling close tapos tinuro niya iyong pwesto ko napatingin naman doon iyong arki na feeling close kaya kumaway ako sa kaniya. Mayamaya ay tumayo siya sa inuupuan niya at lumabas ng room.

"Bakit?" Nakangiti niyang tanong sa akin, inabot ko naman sa kaniya ang t-square ko na nakasukbit sa balikat ko.

"O, iyan muna gamitin mo habang wala pa akong pangpalit," sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangan palitan okay na iyon ako naman may kasalanan e," sabi niya habang nakatingin sa t-square ko.

"A, basta kunin mo na ito hindi ko na rin naman iyan nagagamit," sabi ko.

Napansin ko naman siya na nakatitig sa sabitan ng t-square ko, nakalagay kasi roon ang pangalan ko.

"Pasensya na may pangalan ko, pasensya na rin hindi iyan steadler, solid rotring ako atsaka hindi pure glass iyan may kahoy sa gitna iyan," sabi ko habang nakangiting inabot ulit sa kaniya ang hawak ko. Kinuha naman niya iyon habang nakatitig pa rin sa pangalan ko.

"Sige, ibabalik ko na lang ito sa iyo kapag may nabili na akong bago," sabi niya.

"Ikaw bahala, sige aalis na ako inabot ko lang talaga iyan," sabi ko sabay talikod sa kaniya at lumakad na ako papunta sa hagdan sa fourth floor pa kasi ang room namin e.

Nang makaakyat ako sa room namin ay nandoon na ang iba kong mga kaklase umupo naman ako sa tabi ni Ara, si Sprouse kasi kasama niya mga tropa niya na kaklase namin naglalaro sila ng mobile legend.

"Tapos mo na take home quiz?" Tanong sa akin ni Ara, nagso-solve kasi siya.

"Hindi pa, lima na lang hindi ko ma-solve," sabi ko sa kaniya sabay kuha rin ng papel ko na take home quiz namin.

Eyes On YouWhere stories live. Discover now