FIFTY THREE: HIS SIDE

136 16 0
                                    

Five years ago, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. She left me when I needed her the most.

"Officer, mukhang malalim yang iniisip mo ah," tanong ng isang trainee na kasamahan ko at bahagyang umiling. "Babae yan officer, tama ako diba?"

Napailing na lang ako at bahagyang na ngiti. "Tapusin mo na ang mga pinapagawa sayo"

Tumawa sya at humarap sa mga papel na hawak nya. "Madalas ka naman dalawin noong girlfriend mo rito officer, kaya wag ka na malungkot"

Kung hindi ko lang nakapalagayan ng loob ang batang 'to ay baka nabato ko na ito ng hawak kong folders. "Hindi ko girlfriend si Brenna"

"Talaga? Nililigawan ka?" natatawang tanong nya.

Umiling ako at natatawang umayos ng upo. "Mag kaibigan lang kami, nothing more, nothing less"

"Siguro may iba kang gusto ano? Iniwan ka ba Officer?"

"Itigil mo yang bunganga mo kung ayaw mong kumain ng bala," pag babanta ko, tumawa lang sya ng malakas at tinaas ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko.

Mabuti na lamang at kahit na madalas kong isipin si Eli ay hindi pa rin naaapektuhan ang trabaho ko. Ayokong pati ito ay mawala rin.

+

Nakailang oras na akong tutok sa ginagawa ko nang bigla akong tawagin ni Ford, isa rin trainee. "Officer, may nag hahanap po sa inyong babae, nasa waiting area"

"Bakit daw?" tanong ko. Imposible naman na si Brenna yun dahil halos kilala na sya rito.

"Hindi ko po alam Officer. Ang sinabi lang ay may itatanong daw sya"

Tumango ako at niligpit ang aking mesa bago lumabas. I saw someone familiar, sitting in the waiting area. Bakit sya napasyal dito? "May itatanong ka raw"

Bumaling sya sakin at bahagyang tumango. "T-Tungkol ito kay Eli. May balita ka na ba kung nasaan sya?"

Bumuntong-hininga ako at naupo sa bakanteng upuan. "Wala pa rin. Ayaw nila sabihin sakin kung saang bansa sya tumutuloy"

"Oh, my ghad. Tita is so damot! It's been five damn years. I missed her really bad," pag rereklamo nya.

"So do I Deffi"

"Balita ko pala dinala mo si Brenna sa bahay nyo. Nabanggit samin ni Tita na mukhang nag kaka-mabutihan na raw kayo"

Life After LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon