TWENTY EIGHT: BOTHERED

155 21 0
                                    

Weeks had passed, after nang nangyari between me and Cleo ay mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa. Binanggit ko na rin kay Mommy at Dad ang tungkol sa boyfriend ko pero hindi ko pa sya naipapakilala. Hindi pa rin kasi sang-ayon si Mom.

"Wag mo munang ipakilala samin yang boyfriend mo at duda akong mag tatagal kayo nyan. If I know per—" hindi na natapos ni Mom ang sasabihin nya nang galit na mag salita si Dad.

"Elis, ano ba?! Hindi ba napag usapan na natin ito? Malaki na si Eli, she can handle herself. Just trust her!"

"I do! I trust her okay? Sa lalaking yun ako walang tiwala!" Mom yelled back.

Nakatungo na lang ako at pinunasan ang nag babadyang luha. Hinusgahan nya na kaagad si Cleo kahit pa hindi naman nya kilala. She know nothing, not even his name.

"I-I love him, Mom," mahinang bulong ko.

"You love him?" she pause and chuckled a bit. "You're just eighteen! How the hell can you say that? Love is sacred! Hindi laro, anak"

Is she questioning my feelings Napatayo ako at umalis sa hapag. Narinig ko pang tinawag ako ni Dad pero hindi ako lumingon. Umakyat ako sa kwarto ko at doon nilabas lahat ng galit at sama ng loob. Why they can't just support me? Mahal ko si Cleo, I'm sure about my feelings. Bakit ko ibibigay ang sarili ko kung di ako sigurado sa kanya?

I need someone to talk to so I dialed Cleo's number pero nakapatay ang phone nya. Maybe he's busy. It's Saturday, baka may trabaho sya. Kaya I dialed Deffi's number instead. She's my only friend, sana ay free sya today.

Naka ilang ring pa ay sinagot na nya.

"Hi, Eli! How are you? I missed you already"

Napa hikbi ako. Deffi is like a sister to me and I'm thankful that I have her.

"Gosh! What happened to you? Are you crying? Is this about Cleo? Hey, speak up!"

"Can I go with you?"

"Oh sure! Nasa inyo ka ba? Ako na ang susundo sayo. I'm on my way actually"

I nodded and ended the call at nag ayos na ng sarili. Nagugutom pa ko, hindi ako nakapag lunch ng maayos.

+

Madali akong nakapag bihis, wala rin naman akong ganang mag ayos. Bumaba ako at nakitang wala sila Mom and Dad. I saw Yaya Cora na nag lilinis.

"Ya, pakisabi lang po kay Dad na aalis kami ni Deffi"

"Sige hija ako na ang bahala. Mag ingat kayo," bilin nya at ngumiti. Tumango na lang ako at nag lakad na palabas. Di na ko gumamit ng kotse dahil may dala naman si Deffi.

Life After LiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang